The hero that saved the entire continent of Sapienos thousands of years ago and earned the respect of all immortals is none other than a Neomancer.
Ang bayaning ito ang nagligtas hindi lang sa mga tao kundi sa ibang mga nilalang laban sa kampon ng kasamaan, ang kauna-unahang mortal na may kakayanang manipulahin lahat ng mga elemento without effort.
He rallied all mortals and immortals under one banner and together, they vanquished the seemingly overwhelming forces of evil, solidifying the existence of god’s creations in Gaia.
Para bang hindi siya basta mortal lamang na makapangyarihan.
It is as if god himself is channeling his very power, being and existence through the Neomancer’s body.
Napakadaming himala ang ginawa nito noong nabubuhay pa siya before and after the war against the neverending tide of enemies.
He moved mountains, created vast plains and lands for all beings to settle in and enjoy their lives.
Madami siyang itinurong kaalaman, mga teknolohiya at gawain na hindi alam ng mga tao noon gaya na lang ng pagmamanipula ng mga elemento, pag-gawa ng mga matatayog na gusali at pagtatanin ng naaayon sa season.
That and countless more extraordinary and unbelievable feats such as parting the very oceans to save a sinking ship, stopping a violent typhoon from ravishing continents, calming volcanoes and changing seasons to promote growth and agriculture.
Pinakalma din niya ang mga nagwawalang hayop at tinuruan ang mga tao na alagaan at gamitin ng naaayon sa pangangailangan ang mga hayop na maaari at hindi maaaring hulihin.
Binigyan din niya ng kapayapaan ang bawat mga nilalang mapa immortal man o hindi at natutong mamuhay ang mga ito sa kaniya-kaniyang kontinente ng matiwasay kumpara sa dating walang tigil na labanan at p*****n.
Kung iisa-isahin ang mga nagawa niyang milagro at kababalaghan, hindi sasapat ang buong library namin to detail them all.
But the point is, Neomancers are venerated from time immemorial by mortals and immortals alike.
Pero syempre, hindi pa din sila perpekto.
At the end of the day, tao pa din sila na nagkakamali at naliligaw ng landas.
Once every few generations or centuries may lalabas na Neomancers at mabibilang sa isang kamay ang mga sumunod sa yapak ng kauna-unahang progenitor nila.
Karamihan ay mas piniling mamuhay ng normal, may naligaw ng landas at hindi sumunod sa gabay ng itaas at meron ding mas piniling sundin ang kanilang sariling desisyon.
Ilang libong taon na ang nakakaraan noong huling may isang Neomancer na nag-milagro at gumawa ng mga kahanga-hangang kababalaghan para sa lahat ng mga nilalang ng diyos.
Kaya naman nawala na din ang tiwala ng mga taga Gaia sa mga ito kahit may mangilan-ngilang pinapanganak sa mga nakalipas na mga henerasyon.
Kung hindi kinakatakutan ay iniisipang gamitin sa personal na kagustuhan ng mga mortal ang mga ito, thinking that they will do some miracles to make them rich or powerful instantly.
With all the elements at the palm of their hands, makakagawa sila talaga ng mga milagro easily.
But if and only if you submit yourself to the will of the almighty so that he will grant you his eternal blessings and powers.
Something na mukhang ayaw ni Mors.
“Ayoko pa din,” he declared with finality as he raised his head in sheer defiance na kahit ako ay naimpressed by his sheer audacity to blatantly disobey the will of the lord, “Buhay ko ito at kung ano mang gusto kong gawin ko sa buhay ko, ang tangi lang masusunod ay ako. Akala ko ba niregaluhan ng free will ang tao na gawin ang gusto nitong gawin without interference with the creator? Tao din naman ako ah! Kaya gagawin ako ang gusto ko! I can only live once and how I live is up to me alone, hindi porket sinabi ng kung sino na gawin mo ito, gawin mo iyan, ay susunod na ako. No thank you. If you want to do something right, do it yourself, I say!”
Napangiwi na lang kami kasama ni Grasya sa sinabi ng Apprentice defiantly and confidently.
“Tell me, nakakausap mo ba ang diyos, Mors?” maingat na tanong ng governess namin as if trying hard not to offend him but alas, mainit na talaga ang ulo nito.
“Oo! Sa panaginip, sa isipan anywhere, everywhere! Minsan nagpapakita siya sa akin, ginagaya niya ang hitsura ko at makikipag-usap tapos kung ano anong kalokohan ang sasabihin!”
Napakurap si Wynda at napalunok, “Kalokohan?”
“Oo! Sabi ba naman noong minsan, ipakilala ko daw ang sarili ko sa sangkatauhan sa pamamagitan ng pag-gawa ng bagong ilog na susuporta sa pangangailangan ng Libertad. Papahiramin daw niya ako ng kaniyang lakas para gawin ito, pero bakit naman ako susunod? Ano ako utusan?!”
I flinched when I heard him said those blasphemous things that even us who follows the lonely path of darkness away from the light of god wouldn’t dare say or think at all, “Maybe, bata pa lang siya kaya nakakapagsalita siya ng ganiyan. Siguro paglaki niya, mag-iiba din ang kaniyang attitude towards it.”
Pero umiling agad ito and held his ground, “Malaki na ako, hindi na ako hangal physically and mentally. Kung noong bata pa ako ay madali niya ako napapasunod sa kahit anong ipagawa niya, pwes, hindi na ngayon. Kung may gusto siyang gawin na himala, bakit hindi siya personal na gumawa? Bakit kailangan pa ipadaan sa akin? Ano ako middleman, ganoon?”
“Well, at least we know hindi na lang basta-basta aalis ng guild si Mors at mag-lalakbay sa buong Gaia para ipamahagi ang mabuting balita at himala ng maykapal,” naiiling na sabi na lang ni Grasya as she heaved a sigh and went back to business, “Now that we established that you won’t submit yourself to god, how about we prove others wrong na porket mas pinili mong mamuhay ng naaayon sa kagustuhan mo ay hindi ka na magiging successfull at all?”
Napatingin si Mors dito quickly at nakuha niya ang kaniyang atensyon fully.
“Sa totoo lang, hindi ko na masyadong pinaghandaan ang foci nila Wynda at Vladira. Base pa lang sa laban ninyo against Gaius and Sasha, alam na alam ko na agad kung ano ang pipiliin ninyo,” she then looked at Mors problematically, “The opposite can be said sa bubwit natin dito. During the battle, kung ano-ano na lang ang ginagamit mong skills from all sorts of elements, mas nakakatulong ka pa by sheer shock value alone kesa damage. Unless ang focus mo ay manggulantang na lang forever, hindi na kita papakialaman sa gagawin mo sa buhay mo once you reached the Neomancer class.”
Umiling naman agad ang kaibigan namin and pleaded her with his deadly puppy eyes tearfully, “Ayokong lagi na lang umasa kila Vladira at Wynda to save my butt everytime na magkakamali o masasapawan na ako. I need to at least pose enough threat to even make a dent para seryosohin ako ng mga kalaban ko.”
“Without the blessing from above, I guess you can agree that the mastery of all elements completely is out of question,” Grasya said pensively as she pondered for a minute or two on what to do, “Alam mo, kung hindi mo kaya na manipulahin ang lahat ng elemento completely, why not just strive for partial control instead?”
Mors inclined his small head cutely in confusion, “Anong ibig mong sabihin?”
“What I meant to say is instead of trying hard and failing to master each and every job, bakit hindi ka na lang magfocus sa isang skill ng bawat jobs and practice the heck out of it for maximum effect?”
Nagkatinginan kami ni Wynda meaningfully as we nodded at each other.
It is a reasonable and logical plan.
“Since wala naman siyang biyaya galing itaas to manage and master all skills available, wala akong nakikitang mali in doing so. Mukha ngang mas madadalian pa siya na maging Neomancer in no time. If I am not mistaken, he needs to at least master one job skill of each element, right?” tanong ni Wynda at tumango naman ako agad.
“Indeed. Wala naman sinabi sa requirements na dapat “lahat” ng skills, mamaster mo, just one will do for each job and element. I myself can help you with one Necromancer job skill, kaso undead focus sya at iyon lang ang alam ko as it is what I chose back when I was doing my thesis.”
My childhood friend clapped her hands excitedly, “May maituturo din ako sa iyo from the Hazemancer fantasy focus. Naku, tiyak magugustuhan mo iyon!”
“You are very lucky na nabuhay ka sa panahon kung saan may existing Neomancer and Hazemancer in the making. Normally, Neomancers skip those elements because no one is available to teach them the elements. But now, you can have all the elements at the palm of your hands, light included dahil I will be more than willing to teach you any skills from my vast protection focus repertoire!” masayang wika ni Grasya na nagpangiti naman ng matamis sa bata.
“Naku! Salamat ng madami! Pero, hindi ba parang ang bilis naman para ng transition namin for masterals? We just barely graduated at all,” takang tanong nito sa governess namin na nagtaas na lang ng kilay.
“As I said earlier, time is of the essence, if you are all mentally and physically ready, what’s the point of waiting, hindi ba?” balik tanong niya na nagpatango naman sa aming tatlo, “The next months and year will be hectic. Ifofocus ng buong Neox ang atensyon namin sa inyo, just to make sure na you will successfully, quickly and masterfully finish your masterals. Hindi pa din ako makapaniwala na pinabayaan na lang kayong bumagsak sa amin ng ibang guilds. You are all too powerful in your own rights already, what more kung pagtuunan kayo ng pansin to bring out your maximum potential?”
Nagkatinginan na lang kami nila Mors at Wynda.
Mukhang hindi talaga mahilig mag-aksaya ng oras ang guild na napasukan namin.
-0-
One and a half year later...
A lot of things happened.
Both good and bad.
The good is, nakapasa sa masterals sila Mors and Wynda with flying colors.
Topnotchers, again.
Sa lahat ng kumuha ng examinations from the whole continent of Sapienos six months ago, silang dalawa lang naman ang nag top one and top two with my childhood friend taking the first while Mors happily taking the second place.
Ganap na silang Hazemancer and Neomancer respectively and I couldn’t be prouder.
Kasabay ng pagpasa nila with flying colors sa masterals ay ang pagsikat din nila and with them, the our guild as well.
I guess when you remove me from the equation, a Hazemancer, even if focused on fantasy, is not that scary anymore.
Wynda became more or less the representative of Neox sa media outlets and becoming a celebrity on her own right.
You see, when we achieved our masterals and changed to our final jobs, hindi lang ang kapangyarihan namin ang nagbago, even our appearances.
Wynda was a dreamy girl-next-door look kind of person. Maganda siya at sexy for our age of seventeen but not that stunning our eye-catching. Pero nakaranas siya ng huge change on her physical appearance so much, kahit ako ay hindi na din siya makilala when she emerged from the grand basilica where masteral holders undergo their final changes.
She became slimmer, more matured and prettier than ever. Kung dati ay hindi ka magdadalawang tingin sa kaniya, ngayon ay takaw pansin na ang kaniyang kaakit-akit na mukha, so beautiful, you will be excused if you think she is just a figment of your imagination.
Our brand new Neomancer is making a name for himself on his own right as well.
Mailap man sa media, sikat na sikat naman sa madla si Mors dahil siya na ang nagawa ng mga quests requested either by the government or civilians.
Ranging from rescuing cats to defending an entire village from the forces of evil.
Sa pag-angat nilang dalawa, kasabay nila sa pag-taas ang bagsak na respeto ng mga tao sa Neox.
With the money flowing in to our coffers partly because of my two friends, mukhang wala nang poproblemahin pa ang guild in the forseeable future.
May nakinig nga ako na usap-usapan ng Guild Hero at Guild Madam na baka ito na ang magandang oras para lumaban muli sa monthly Guild Sieges ang samahan naman to prove once and for all that we are still as powerful as we can ever be.
Or maybe sila lang.
Hindi ako kasama.
You see, the bad news is hindi ako nakapasa ng masteral.
Well, more like hindi ako na-qualified para makapag test for masteral.
The Archbishop deemed me as not “wholly” prepared to even take the test which is weird kasi hindi bale kung gaya ako ng ibang elemento which he have knowledge of pero I wield the darkness and as a representative of light, papaano niya nalaman na hindi pa ako handa at all?
Pero hindi ko na inisip pa kung ano ang dahilan niya, basta ang alam ko, wala akong pag-asang maging Necromancer at all and is now forced to study even more and do some research in the hopes na may malaman pa ako para maging “wholly” prepared na ako finally.
I am forced to watch my close friends take on new positions and gain newfound powers with amazing physical changes samantalang heto ako, stagnant, stuck sa aking posisyon as a Spiritualist magdadalawang taon na.
Sinigurado naman ng mga ka-guild ko na hindi ako ma-oout of place dahil ayon sa kanila, baka daw may ibang plano para sa akin ang itaas.
Kung ano mang plano iyon ay sana hindi magtagal. Ayokong magmukhang palamuning pabigat dito dahil ni quests, hindi ko magawa dahil sino nga ba ang hihingi ng tulong sa gaya ko?
But I will still try to be demure, kind and sweet as always. Matagal kong prinaktis ang mga katangiang iyon simula pagkabata at kahit may dumating na ganito kalaking dagok sa buhay ko, hindi ako maaaring bumalik sa dati.
Oo, ang nakaraan na hindi ko na gugustuhin pang balikan.
I am a very, very different person from what I used to be.
Wretched, irredeemable, cold and mad.
You see, hindi lang sa dahil kaya kong kontrolin ang kadiliman kaya ako kinakatakutan ng ibang mga tao.
Normal na sa mga batang pinanganak na alligned sa dark element ang maging kasuklam-suklam sa pagkabata pa lang.
Kakaibang ugali, nakakatakot, nakakagimbal at nakakagulat na mga gawain na hindi mo iisipin na magagawa ng isang bata sa musmos na edad pa lamang.
Kung hindi siguro tubong Sabayat ang tatay ko, hindi ako makakaranas ng normal na childhood in my situation.
Dahil nga may experience na sila sa ama ko, naging mainit ang pagtanggap sa akin ng mga kababayan niya. He is kind of a folk hero back then and have given much to the community kaya noong mawala siya at ang nanay ko ay talaga namang hindi ako pinabayaan ng mga natulungan niya.
Tinuruan nila akong makibagay, makisama at maging “normal” na bata sa paningin ng iba kahit hindi talaga ako masasabing katanggap-tanggap sa labas ng marquisate.
Well, hindi ko aaksayahin ang oras at tiyaga na pagtulong at aruga nila sa akin. Hanggat kakayanin ko, magpapakabait ako, ibababa ko ang aking ulo at patuloy na gagawin ang dapat kong gawin.
Kahit pa ako na lang ang mag-isang lalakad para sa sarili ko dahil sabi nga ni tatay, more often than not, those of us who are born with the darkness tend to stay and fade in it all alone so it’s important to learn to be lonely.