“Isang malaking tinik sa lalamunan namin ang duke na iyan. May maliit na gyera ngayon sa pagitan ng mga tao at kapre sa silangan namin. Hindi naman sila nananalo sa amin pero sa halip na hindi ko na intidihin pa ay kailangan kong matyagan lagi na parang langaw sa pang-ulam mo.” Napataas ang kilay ko sa sinabi niya and it’s a good sign. Unlike the rulers and leaders before him, mukhang hindi ko na kailangang maghirap pa na magmakaawa para lang makahingi ng tulong. “Hindi naman kami nanghihingi ng kahit anong malaking pabor. Kahit maliit lang na makakatulong sa aming binabalak na “paglilinis” ng kaharian namin ng “tinik” sa aming lalamunan.” Napatingin si Senyor Rodrigo sa amin thoughtfully before kumuha ng isang malaking tabako the size of my arm at iniabot sa akin ito,

