[Kabanata 5]
Maliwanag na sinag ng araw ang dumampi sa aking balat na tuluyan kaming lumabas. Sa dami ng mga deboto na na aking nakikita ay nagmistulang bayan pamilihan ang labas ng plaza. Nagkalat rin ang mga nagtitinda ng mga malalagkit na pagkain tulad ng kakanin at suman. Mga musmos na nagtitinda ng sampaguita at kandila pati narin ang mga nagtitinda ng mga bagay na pampaswerte.
"Luna, anak, ano bang nangyayari sa'yo? Ayos ka lamang ba? Hindi ka pa 'di mapakali simula nang magsimula ang misa", mahinahong saad ni Ina na ngayon pala ay nasa kaliwa ko na. Hindi ko alam kung ilang minutong lumilipad ang isip ko kaiisip sa ginawa kong 'yon. "W-wala po, patawad po, Ina. Hindi na po mauulit", puno ng sinseridad kong sabi. Napabuntong-hininga na lamang si Ina pero sinundan niya rin iyon ng pang-ngiti. Ngumiti nalang rin ako biglang tugon sakaniya atsaka sabay kaming sumunod kina Ama na pumapauna sa paglalakad.
Nagpasya kaming sumilong sa ilalim ng malaking puno ng narra na doon ay lilom. Mahangin at maaliwalas ang paligid ngayon, napakagaan sa pakiramdam. Tahimik kaming nakatayo roon habang hinihintay na matapos ang pag-uusap ni Ama at Don Felipe. Naroon sa kaniyang tabi ang isang matangkad na binata rin na sa tingin ko ay nakakatandang kapatid ni Ginoong Eduardo. Napansin kong 'di nila kasama si Ginoong Eduardo, pero nakita ko siya roon sa loob ng simbahan. Naalala ko na naman ang nakakahiyang pangyayaring 'yon, habang nagmimisa pa sa loob ng simbahan nangyari. Napabuntong-hininga na lamang ako.
Nagmasid ako sa paligid, mayroong mga batang nagtitinda ng nga kandila at kung ano-ano pa, naroon rin ang nagkalat na tuyong dahon. Sa 'di kalayuan ay tanaw ko ang isang pamilyar posturang naglalakad sa direksyong kinalalagyan namin. Hindi nga ako nagkamali, siya nga. Bigla ko na lang naalala ang nakakahiyang nangyari kanina sa loob ng simbahan. Si ina ang nasa aking kaliwa no'n nasa kanan naman si Ate Elisa, pareho silang nagulat sa naging asal ko sa loob ng simbahan.
Hindi ko alam kung gaano na katagal nang lumilipad ang isip ko, natauhan na lamang ako nang magsalita si Ina sa tabi ko. Kausap sina Ama. Napatingin ako kay Eduardo, naroon na pala siya ilang hakbang ang layo sa'kin. Hindi ko namalayan. Nang maramdaman ko ang kaniyang tingin ay sabay kaming napaiwas. Pareho naming hindi kinakaya ang hiya at ilang sa pagitan naming dalawa. Pinili ko nalang tignan din sina ama at ina na nakikipagusap kay Don Filipe.
Sandali kaming natahimik. Ramdam kong umihip ang marahan na hangin dahilan upang sayawin ang mga dahon sa puno at halaman sa paligid. Maya-maya ay lumapit ang isa sa mga guardia-sibil na kasama namin kay ama, kasabay no'n ay ang pag-abot nito ng isang sobre. Tinanggap naman ito agad ni Ama at sinuri ang liham kung para kanino ba ito. Marahil iyon ay mula sa isang opisyal kaya pinagsawalang-bahala ko na lang ito.
Napalingon ako sa mga ibong malayang lumilipad sa himpapawid, ang sarap nilang pagmasdan. Agaran ko namang binawi ang tingin kong 'yon nang marinig kong banggitin ni Ama ang aking pangalan, "Anak, Luna.", tawag n'ya sa'kin kaya naman halos lahat ng naroon ay nasa akin ang atensyon. "A-ano po iyon?", utal kong tugon dala ng pagka-ilang. "Para sa iyo ang liham na 'to, anak", ngiti niya sa'kin. Kahit papa'no ay napagaan ng ngiting yon ang aking pakiramdam. Lumapit ako sakaniya upang abutin ang bagay na iyon, nang maabot ko na ay ngumiti ako bilang pasasalamat.
Nang maabot ko ito ay bumalik na muli ako sa kinatatayuan ko. Ramdam ko ang kuryosidad ng mga matang nakatingin sa'kin. Dahan-dahan ko itong binuksan, kasabay no'n ang pagsasalita muli ni Ama, tinuloy nila ang kanilang naudlot na usapan. Ramdam siguro ni Ama na naiilang ako sa dami ng matang nakatuon sa'kin. Nang tuluyan ko nang makita at mabasa ang loob nito ay gano'n na lamang kadali sumilay ang ngiti sa labi ko.
??????????, ???????
???-4 ?? ???????,1944
???????? ???? ????,
??????? ?? ??? ????? ???? ?? ???? ?? ??? ?????? ???????????? ?????? ????? ???'? ??????? ?? ?????????? ????? ???? ???-????. ????????????? ?????? ????? '?? ?? ???? ???? ???????? ??????? ?? ????. ???? ????? ?????? ?? ?????? ??? ?????? ?????? ????? ???????? ??? ?? ??????????? ???? ??????????????? ?'??? ?? ???????. ?? ??????, ???-6 ?? ??????? ??????? ?? ??????? ?? ???. ???? ?? ???????? ?? ???? ??? ???? ??? ??? ???? ?? ?????????? ???. '?? ?? ??? ????????????? ???? ??????? ?????? ????.
??? ????? ????????,
????????
Ang liham na iyon ay mula kay Norhaina, aking kababata. Mabilis na lumipas ang apat na taon noong sila ay nanirahan sa Intramuros at maging bahagi ng kumbento at don nagaral. Maga-apat na taon na rin mula ng pumanaw ang kaniyang ina at tanging ama na lamang nya na nalulong sa bisyo ang nakakasama niya.
Hindi ko masukat kung ga'no ako kasabik at kasaya dahil magkikita na muli kami ni Norhaina. Napangiti na lamang ako sa aking sarili. "Ate, sino ang nagpadala sa'yo ng liham na 'yan?", narinig kong sabi ni Danilo, na katabi ko. "Ah, kay Norhaina ito galing", sabi ko habang nakatingin sa liham na 'yon. Napatango na lamang s'ya, 'di na muling nagsalita pa.
Napatingin naman ako kay Edurado na nakayuko ng bahagya. Naramdaman niyang nakatingin ako sa kaniya kaya naman tinignan niya ako at nilagay niya ang kaniyang sombrero sa kaniyang dibdib upang magbigay galang. Napatango naman ako bilang tugon sabay iwas iwas ng tingin.
Mukhang malapit nang matapos ang usapan nina Ama. 'Di ako mapakali kung pa'no ako magpapaalam sakaniya. Kaya naman mas minabuti kong intayin na lang silang matapos. Nang matapos na sila ay nagsimula na kaming magpaalam. Habang naglalakad papunta sa aming sasakyan pauwi ay walang namutawing salita sa pagitan naming lahat, lahat ay tahimik na naglalakad.
Isa-isa nang sumakay ang aking mga kapatid, ako ang huli. Ilalahad naman sana ng isa sa aming kutsero ang kaniyang kamay upang alalayan ako, ngunit umiling lamang muna ako sakaniya bilang pagtanggi. Lumapit ako kina ama't ina upang magpaalam. Ganoon na lamang kabilis sumilay ang kanilang ngiti nang malamang darating si Norhaina. Kaya naman agaran silang pumayag.
Lumapit ako sa isa pang kalesang dala namin kanina nang pumarito kami. Agad namang lumapit sa'kin si Mang Agustin upang alalayan ako hanggang sa makasakay ako sa kalesa. Nang tuluyan na akong makasampa ay nagsalita ako, "Sa daungan po, Mang Agustin". Tumango naman siya at saka tumakbo sa unahan at doon sinimulang patakbuhin ang kalesa. Habang tinatahak ang daan papuntang Daungan ay 'di na ako mapakali, nais ko na lamang lumipad papunta roon upang makita ko agad siya. Halos mapunit na ang aking mukha kakangiti. Hindi ko namalayan na naroon na pala kami sa daungan dahil sa kawalan ko sa aking sarili, bumalik lamang ako sa wisyo nang tawagin ako ni Mang Agustin at sinabing naroon na kami. Hindi naman ganoon kalayo ang daungan mula sa simbahan kaya mabilis lang kaming nakarating roon.
Mula sa 'di kalayuan ay natatanaw ko na ang barko na sinasakyan ng mga pasahero galing sa Maynila. Marami ring mga tao ang naghihintay sa kanilang mga kamag-anak na nagmula pa sa ibang lugar. Mga ilang saglit pa ay tuluyan natong dumaong. Nang tuluyan na itong maidaong ay iniayos na ng mga tao sa barko ang dadaanan ng mga pasahero nila pababa. Hanggang sa makalabas na nga ang mga pasahero isa-isa. Naroon sa kanilang mga mata ang labis na pagkasabik lalo na ng makalapit na sila sa kanilang mga pamilyang sumalubong sakanila.
Maya-maya ay natanaw ko ang isang pamilyar na babae na nakatayo sa unahan ng sinasakyan nitong barko habang bitbit ang isang tampipi, kinausap naman s'ya ng isang ginoo sa kaniyang likod. Natawa na lamang ako. Siguro hinahanap niya ako. Wala na akong magawa kaya naman bumaba ako sa kalesa atsaka tumakbo sa kaniyang kinatatayuan nakasunod naman sa'kin si Mang Agustin.
Nakatayo lamang siya roon sa tabi at tahimik na nagmamasid, nang maramdaman niyang may papalapit sa direksyon niya ay luminga ito. Napangiti ako nang makita niya ako at magita ko ang gulat sa kaniyang mga mata. Lumapit siya sa'kin atsaka ako niyakap, ganoon rin ako. "Masaya akong makita kitang muli", sabi ko sakaniya. "Ako din, Luna.", tugon nito pabalik. "Kumusta? Ayos ka lang ba sa kumbento?", saad ko sabay dahan-dahang bumitaw mula sa pagkakayapos. "Mabuti naman, kayo? Kumusta? Pasensya kana at hindi na ako nakakapagpadala sa'yo ng liham araw-araw masyado kasi kaming abala sa kumbento kaya wala na akong oras para makapagsulat pa sa'yo" aniya. "Ayos lang naman kami dito atsaka naiintindihan ko naman iyon", ngiti ko sakaniya. Hindi ko na napigilan ang aking sarili na yakapin siya muli. Ramdam ko rin ang pangingilid ng aking luha dahil sa sobrang saya. "Halika kana at tayo'y humayo na tiyak na hindi na di makapaghintay sina ama't ina na makita ka." ngiti ko.
Inabot ni Mang Agustin ang dalang tampipi at dalhin sa kalesa. Nang mailagay na niya ito ay parehas niya kaming inalalayang makaakyat roon. Pinatakbo naman agad ito paalis roon. Kwentuhan at kung ano-ano pa ang naging eksena sa loob ng kalesa habang naglalakbay kami patungo sa hacienda. Nagbahagi rin siya ng mga natutunan niya at ginagawa niya sa kumbento, maging ang kaniyang estado ng buhay roon.
Tanghaling tapat na at tuluyan ng mataas ang araw na s'yang nagbigay ng matinding init sa aming paglalakbay. Mga ilang oras ang itinagal bago kami nakarating sa amin hacienda. "Wala pa ring kupas ang ganda ng inyong hacienda. Sa totoo lang ay lalo itong gumanda", panimula nito habang naglilibot upang pagmasdan ang aming hacienda. Tanging ngiti ang naging tugon sa kaniya.
Nang matapos nang maibaba ang lahat ng gamit na dala niya. Ay agad kong pinasalamatan si Mang Agustin. Nang makapasok kami ay si Manang ang sumalubong sa'min. Sinusuri niya at tinitingnan niya nang maigi si Norhaina na para bang hindi niya ito matandaan. "Manang, ito po si Norhaina" pagpapakilala ko kay Manang. Nanlaki naman ang kaniyang mga mata sa gulat atsaka dahan-dahang lumapit kay Nor at hinawakan ang kamay nito. "Naku, Haina, kumusta ka na? Anlaki-laki mo na" saad ni Manang dahil hindi niya inaasahan ang biglaang pagdating Norhaina rito. "Ayos lamang po ako, Manang. Masaya po akong makita kayo muli", sabi naman ni Norhaina.
"Halina kayong dalawa at magtatanghalian na. Ako nang bahala sa iba pang gamit. Pagkatapos niyong magpalit ay pumaroon na kayo sa hapag-kainan", sabi ni Manang sa'min kaya naman dumiretso agad kami sa aking silid upang doon magayos. Hindi na kamu nag-aksaya pa nang oras dahil nais na ring makita ni Haina sina Ina.
Nang matapos ay nagsimula na kaming maglakad pababa. Ilang hakbang na lamang ay mararating na namin ni Haina ang hapag-kainan nang mapansin kong bigla siyang napatigil. Nagtaka ako, "Ayos ka lamang ba?" tanong ko. "Ah oo, may naalala lamang ako", tugon niya nang nakangiti atsaka pinagpatuloy ang paglalakad sa hapag-kainan, sumabay na rin ako sakaniya. Mga ngiti at pagbati ang nangibabaw sa mesa nang makalapit kami. Tuwang-tuwa naman si Ina at 'di na napigilan pang yakapin siya.
"Nagagalak akong makasama ka muli, Norhaina. Talagang walang nagbago sa iyo mula nung umaalis ka dito sa Bayan ng Carmona. Natutuwa din akong hindi mo pinapabayaan ang sarili mo" mangiyak-ngiyak na tugon ni Ina. "Maging ako rin Donya Lucien—", hindi pa natatapos ni Norhaina ang kanyang sasabihin ng bigla uling magsalita si Ina. "Ina, Ina Luciena nalang ang itawag mo sa akin, hindi ka na din iba sa amin. Tinuring na rin kitang anak noon pa man,"nakangiting tugon nya. "Maraming Salamat po I-Ina.", masaya ako sa naging tagpo ni Ina at Norhaina kaya naman gano'n nalang rin ang pangingilid ng luha ko nang maalala ang masasalimuot na pangyayari na nangyari kay Norhaina.
???? ?? ???? ?? ???? ?? ?????? ????????? ?? ???????? ????? ?????? ?????? ???????? ???? ?? ???????? ?? ????? ????????, ???????? ???. ?? ??? ??? ??? ?????? ????? ?? ???? 10 ???? ???? ????? ????'? ?? ???? ??? ??????? ??? ???? ?? ??? ??? ????????. ?????? ??? ?? ????? ???????? ????? ??? ???? ?? ??? ????????????????? ?? ??? ?? ?????????? ????? ??? ?????? ?????.
???????? ????????, ???? ?? ????????? ???? ??'?? ??????? ?? ?????? ?? ??????? ?? ??? ??'???. ?????????? ???-??? ???? ?? ??????????? ?? ???????? ?? ????? ???. ??????-???? ?????? ??? ?????????? ??'??? ?? ????? ????, ???????? ?? ????? ???????? ?? ????? ?????? ?? ????????. ?? ????? ?? ?????????? ?????? ??????? ?? ??? ?? ?? ????? ????? ?? ???????? ???? ???? ?????? ?? ??? ?????. ?? ???? ????????-????? ?? ????????? ???? ?? ???? ??????? ?? ?????? ???????? ?? ???.
?????? ?????? ?? ?????? ??????? ??????? ??? ????? ???? ???? ??????? ?? ????? ???????? ?? ????? ????????. ??????? ??? ?????????? ??? ??'??? ???? ?? ??? ???????? ?? ????????? ???? ????. ??????? ?? ???????? ?? ?????? ??????? ??? ??? ??? ???? ??????? ???? ????? ???????? ??? ?? ?????, ????? ?? ???? ?? ?????? ?? ????? ????? ????? ?? ?????? ????? ?? ???????? ?? ???? ???????. ???? ????? ??????????????? ?????? ????????? ?? ??????? ??'? ?? ??????? ?? ???? ???????. ?? ?????? ?? ??? ?? ????????? ???? ?? ???????? ?? ???????? ?? ???????? ??????? ????. ??????? ?????????? ?????? ?? ????? ??? ?????? ???? ????? ????? ?????????? ??? ???'? ???.