JONA POV Kinakabahan ako para sa sarili ko. Wala akong ka ide ideya na mayroon na palang sumusunod sa akin. Tagaktak kaagad ang pawis ko. Nanginginig ang mga tuhod ko at hindi ko mapigilang mapalunok. Dapat pala ay nagdadala rin ako ng pepper mint spray. Mabilis kong kinuha ang susi sa bag ko at nabuksan ko naman ang pintuan kahit na tarantang taranta ako. "Relax ka lang, ano bang nangyayari sayo babe?" Lumingon ako ng marinig ko ang boses ng nagsalita. Parang nalaglag ang panga ko ng makita ko si Xander sa harapan ko. Basa pa nga ang buhok niya at naka suot pa ito ng sando. Ngumiti siya sa akin. "Babe ayos ka lang ba? Parang nakakita ka naman ng multo niyan." Dinuro ko siya, "Hoy, anong ginagawa mo rito Xander? Bakit mo ako sinundan dito? Siraulo ka talaga eh. Umalis ka na bago k

