Ni hindi nga sya naniniwalang si Gio ang may masamang intensyon. Iisipin pang gusto ko ang kaibigan niya. Gaga ba akong sa kwarto namin yun gawin at di sa kwrto ko. Parang sasabog ang puso ko sa mga nangyayari. Malas talaga ako sa buhay na ito. Tinext ko lang si Marco tungkol sa babaeng narito sa bahay. Di naman ito nag reply o nagseen. Mukhang busy na talaga ito na hindi umuwi mula ng hapong nadatnan nya kami ni Gio. Masama ang loob niya sa akin pero wala naman akong kasalanan sa nangyari. Nakaupo lang sa sofa at nakatulala. Naguguluhan at di pa rin alam ang dapat na gawin. May naguudyok sa akin na tawagan ko na si Mikee pero may pumipigil din dahil sa kahihiyang malalaman nila. Maya maya ay tumunog ang aking phone. ***Si Mother Carmen daw at isinugod sa hospital at inatake sa puso. N

