Kinabukasan ay sinadya kong tanghali na bumaba para iwasan si Marco. Naligo na ako at didiretso na sa pagpasok sa school. Sinabihan naman ako ni Mikee na hwag na syang ipagluto ng almusal at tumataba na raw sya. “Isay,” tawag mula sa likuran ko nang palabas na ako ng bahay. “Sabay na tayo.” “Hindi na. Kaya ko naman.” Gusto ko talaga syang iwasan dahil sa nangyari kagabi. Sabay na nga tayo. Ano ba?” pilit ni Marco na parang walang nangyari kagabi. Ano ka rin ba?” sagot ko sa lalaki na may pagsusungit. Mag-usap tayo sa daan papunta sa school mo.” seryosong saad nito at nakaramdam ako ng kaba. Akala ko wala lang ang nangyari kagabi pero mukhang may something. Sumabay na rin ako sa lalaki para magkalinawan kami sa nangyari kagabi. Ayokong maging issue namin yun at baka makarating pa kay

