51 “Ewan. Ibili mo na nga ako ng shirt. Doon na tayo sa store. Halika na at bilisan natin.” “Sa baclaran lang kita ibibili. Ilan ang gusto mo?” biro nito pero hinila ko sya ng maigi para makarating na sa store na pupuntahan namin. Hoy ang kapal mo ha. Ayoko nun. Orig ang gusto ko at yun ang pangako mo. Baka ibenta mo lang. Asan ang share ko sa pinagbentahan mong gamit? Wala na. Kinain mo na kaya. Kapal mo pero pwede nga. Kapag wala akong pera. Ibebenta ko.” biro ko pa sa lalaki. Di na ito sumagot pa pero ginulo naman niya ang buhok ko. Nagpunta nga kami sa store na pinag-uuspan amin. Namimili ako pero di ko sure kung bibilhan nga ako ng lalaki. Nagsukat sya ng polo shirt at naupo na lang ako sa isang upuang naroon habang hinihintay siya. Anong bagay sa akin? Pinakita nya sa akin ang

