Mukha namang naniniwala na si Daddy sa pagiging ok namin ni Marco. Si Mikee pinagbawalan na ni daddy na pumunta sa bahay dahil sinumbong na sya ni Marco na laging nakikikain sa amin. He warned Mikee na kapag nakipagkita pa sa akin ay paaalisin sya sa kumpanya. Kawawa naman ang brother in law ko. Miss ko na rin sya at gusto na ring makita. I told him na magpasensya na lang muna dahil kailangan ko talaga ang pera na makukuha kay daddy. Naunawaan nya naman daw kaya magtitiis na lang sya sa tawagan at sa pagtetetxt naming dalawa. Pinadalhan ko na lang ang tatlo ng sizzling bulalo sa manyon dahil nakapangako ako kay Mikee. Magseselos naman ang dalawa kung wala akong padala para sa kanila. Tinotoo naman ni Marco ang pagiging mabuti sa akin. May minsang pag-aasaran pero di nya na ako masyado

