"Binayaran ko nang double ang kinausap nila Enrico. Parehas kayo ng Kuya mo! Mga bobo." Tumawa siya ng malakas at iba ang tawa niya kumpara sa dati. Biglang bumukas ang pinto at nakita namin ang mga pulis! Nabuhayan ako ng loob nang makita ko ang mga pulis na pinusasan si Roi. "Tarantado ka!" nagulat ako sa biglang pagsuntok sa kanya ng Tatay niya! I was so shocked! Bakit nandito ang kanyang tatay? "Anong ginawa mo kay Alexi!" kinwelyuhan siya ng kanyang Tatay. Napansin ko na hindi nagigising si Rizza kaya nag-aalala ako! Sakto namang tinanggal ng ibang pulis ang tali sa kamay ko. Kahit na nanghihina ako ay pinilit ko pa rin siyang lapitan. Napansin ko na ang dami niyang pasa! Kanina no'ng naiwan siya dito ay hindi ganito kadami ang pasa niya! Napatakip na lang ako sa bibig ko nang h

