ENRICO'S POV 'Hindi ko kayang isakripisyo ang anak natin.' 'Wala tayong magagawa, kapag hindi natin nasunod ang gusto nila...buong pamilya natin mamamatay.' 'They going to kill us.' 'Ganoon na lang ba natin isasakripisyo si Alexi? Wala na ba tayong dapat gawin?' 'W-Wala,' 'Si Alexi ang gusto ng anak ng business partner natin. Hindi tayo pweding umatras dahil malakas sila. Kapag umatras tayo makukulong tayo at papatayin tayo.' 'Sorry, hon. Wala na akong paraan.' Napahigpit ang hawak ko sa manubela at para akong nadudurog sa usapan ng mag-asawa. Kailangan nila isakripisyo ang mahal ko. Dahan dahan tumutulo ang luha ko habang nagmamaneho pauwi sa bahay. Gusto kong tumutol sa gagawin nila pero paano? Ganito lang ako at hindi ko maisalba si Alexi. Mahal na mahal ko siya pero wala akong

