Chapter five

2145 Words
Belinda “Mamay!!!” Tuwang tuwa ako habang nakaway ako ng makita ko ang nanay na palabas sa airport. Kasama ko si Devin nagsundo sa Mamay, dahil nag alok ito para daw hindi na kami umarkila ng van. Pumayag na ako para makatipid din ang Mamay “Anak!!!” Mabilis kaming nag yakapan ng Mamay, pareho kaming maluha luha dahil halos apat na taon kaming hindi nag kita ng Mamay ko. “Kamusta ka na anak ko na miss ka ng mamay” hindi ako ka agad naka Sagot dahil naluha na ako ng maramdam ko ang mainit na yakap ng Mamay. “Ok na ok na po ako mamay dahil nandito na po kayo” kahit bente uno na ako nagiging parang iyaking bata ako kapag niyayakap ako ng Mamay. Alam ko marami sainyo ang sa-sang ayon saakin na kahit gaano na tayo ka tanda iba parin ang nagagawa ng yakap halik at kahit nga boses lang ng nanay natin. Madalas kapag may bad day ako tatawagan ko lang ang mamay ko at kapag narinig ko na ang boses niya gumagaan kaagad ang pakiramdam ko. “Miss na miss din kita Mamay kamusta po kayo?” Nakayakap pa din ako sa mamay at para bang ayaw ko na siyang bitawan. “Mabuti naman anak dahil masayang masaya ako ngayon at mag kasama na tayo at hinding Hindi na tayo mag kaka hiwalay pa” masayang masayang Sambit ng Nanay. “Ano pong ibig niyong sabihin Mamay, Hindi na po kayo babalik sa Italy?” Taka Kong tanong. “Sa bahay na natin pag usapan yan anak nasaan ba ang şaşakyan natin” sa sobrang saya ko naka limutan ko na si Devin. “Ayy oo nga po pala mamay si Devin po pala kaibigan ko po.. siya po ang kasama kong nag sundo saiyo at sasakyan niya po ang gamit namin.. Devin ang mamay ko” pakilala ko. “Mano po May, kinagagalak ko po kayong makilala.. ako po si Devin kaibigan po ni Belinda” magalang na pakilala ni Devin. “Kaawaan ka ng Diyos anak, salamat naman at sinamahan mo ang aking anak” ngumiti si Devin sa Mamay at tinulungan niya kami na mag tulak ng mga bagahe ng mamay. “Kaibigan ka lang ba ng Belinda ko Devin? Hindi ka ba nan liligaw” Usisa ng Mamay habang nag lalakad kami patungo sa parking lot. “Hindi po Mamay.. torpe po kasi ako eh” nahihiyang sagot ni Devin. “Mabuti naman kung ganoon.. dahil mahirap ang long distance relationship” Napa lingon ako sa Mamay dahil sa sinabi niya. Ngumiti lang ito saakin. “Kahit po nasa ibang planeta pa si Belinda gagawin ko po lahat mag kasama lang kami ulit” napa kagat ako ng labi sa kilig. “Hoooy!! Baka maniwala ang mamay saiyo! Masyado kang patola sa mga tanong ng mamay!” Bawal ko dito dahil pati ako Malapit ng Maniwala na May gusto siya saakin. Nang makarating kami sa parking lot pinasakay na kami Kaagad ni Devin sa kotse niya at siya na ang nag lagay ng mga bagahe ng mamay sa trunk ng kotse. Naupo ako sa harap at ang mamay ay sa likod. “Nagugutom po ba kayo May?” Tanong ni Devin. Napalingon ako kay Devin dahil napaka ma aalalahanin talaga nito. “Naku Devin ok lang.. nag luto ako sa Bahay ng paboritong ulam ng Mamay, kung gusto mo sa bahay ka na din mag lunch” alok ko. “As much as I want to beh, gusto ko Kayong bigyan ng time ng Mamay mo” nilingon ko ang mamay na ngayon ay kay lapad ng ngiti. “Ang galing mong mag pa good shot iho,” biro ng Mamay kaya napa kamot ng ulo si Devin na tila nahihiya. Nang ma ihatid kami ni Devin sa bahay kaagad din itong nag paalam. “May hatid ko lang po sa kotse niya si Devin” paalam ko. “So.. I guess Hindi ka makaka punta sa hide out while your mom is here” nalungkot ako sa sinabi ni Devin dahil tama siya. Hindi alam ng Mamay ang pag sa sideline ko sa banda at sigurado ako pag nalaman niya magagalit siya sakin. “Yeah tama ka Devin I think hanggat nandito ang Mamay Hindi muna ako makaka sama sa banda” na pa angat ako ng tingin sakanya ng hawakan niya ang aking kamay. “It’s ok don’t be sad mas importante ang mamay mo kesa sa banda.. basta nandito lang ako, I mean ang banda waiting for you” I hugged him tight. “Thank you Devin, mami-miss ki- I mean mami- miss ko kayo” Pag kapasok ko sa bahay ang Mamay hinahanda na ang lamesa. “May! Ako na po diyan, ma upo na lang po Kayo” mabilis kong inagaw ang pinggan na hawak ng Mamay. “Anak namiss ko ang Paksiw na Tilapia, Hindi kasi ako nakakapag luto ng mga maamoy na pag kain sa Italy dahil nahihiya ako sa amo ko” napa Ngiti ako sa sinabi ng Mamay “Huwag po Kayong mag alala may habang nandito po kayo sa Pilipinas lahat ng pag kain na namiss niyo kakainin po natin ako po bahala sainyo” magiliw kong sagot. “Maraming salamat anak” “Ang mamay talaga Bakit po kayo nag papa salamat saakin, ako po ang dapat mag pasalamat sa mga sakripisyo niyo para mabigyan ako ng magandang buhay, at pangako po May susubukan ko pong maging mabuting anak sainyo” at least I’m trying. MahirAp maging mabuting anak dahil minsan may mga gusto tayong gawin na taliwas sa gusto ng ating mga magulang. “Gusto ko lang anak maging masaya ka, gusto ko maging maayos ang buhay mo, at higit sa lahat gusto ko maging matagumapay ka sa karerang tatahakin mo, para kapag dumating ang araw na kailangan ko ng lisanin ang mundo panatag akong nasa mabuti kang kalagayan” mahaba nitong lintanya. “Mamay naman, kaka uwi niyo lang, pag alis niyo nanaman ang Pinag uusapan natin.. kumain na po kayo Mamay tapos kung gusto niyo pong mag pahinga, mag pahinga po muna kayo habang inaayos ko ang mga gamit niyo” natutuwa akong makita ang mamay ko na maganang kumain at nakaka pag pahinga. Dahil minsan naaawa ako na sa edad niya nangingibang bansa Pa din siya. “Anak kanina nabanggit ko na hindi na tayo mag kaka hiwalay diba?” Napa Ngiti ako sa tinuran nito . “Opo may, Ibig po bang sabihin nito Hindi na kayo babalik sa Italy?” Excited kong tanong. Uminom muna ito ng tubig bago sumagot. “Ang sarap talaga ng paksiw mo anak, pero babalık pa ako sa Italy after ng graduation mo anak” napa kunot ang noo ko sa Sagot ng Mamay dahil naguguluhan ako. “Pero sabi niyo po hindi na tayo magkakahiwalay?” Malungkot Kong tanong. “Oo nga anak dahil isasama nakita pag Balik ko sa Italy” Namilog Ang mga mata ko sa Sagot ng Mamay. “Po?, isasama niyo po ako sa Italy?” Gulat kong tanong. “ oo Anak after ng graduation mo,, Wala ng dahilan para manatili ka sa Pilipinas habang ako nasa Italy kaya isasama kita at doon ka mag hanap ng magandang trabaho” I did not expect na may balak pala ang nanay na dalin ako sa Italy. “Pero di po ba May kailangan pa ng Visa mahaba pang proseso yun Mamay Hindi kasya ang isang buwan” tumayo ang Mamay ng matapos siyang Kumain at inilagay ang Plato niya sa lababo. Inubos din niya ang natitirang tubig sa baso matapos ay lumapit saakin. “Huwag mo ng problemahin yun anak, nagawan na ng paraan ng amo ko kaya may Visa kana at plane ticket” Hindi ko alam kung Anong mararamdaman ko. Masaya ako na makakasama ko ang Mamay pero parang Hindi ako ready na iwan ko ang buhay ko sa Pilipinas. “Anak alam kong kinakabahan kang mangibang bansa pero Kung ito lang ang paraan para mag kasama tayo ayaw mo ba anak?” Tila may tampo sa himig ng boses ng Mamay. “Hindi po sa ganoon May, nabigla lang po ako siguro, pero siyempre po Kung nasaan po kayo gusto ko po nandoon din ako” kailangan ko nga ma kausap sila Ate Sab mukang kailangan na nilang mag hanap ng kapalıt ko. *** “Belinda Rose Gonzales” tawag sa aking pangalan at ini abot Ang aking diploma. Inangat ko Ang aking diploma sa ere at kumaway ako sa Mamay. Ang sarap lang sa pakiramdam na makita ang mamay na masaya dahil nakapag tapos ako ng kolehiyo. Lahat naman magulang ito ang Pangarap nila sakanilang mga anak kaya nag papa kahirap silang mag trabaho. Si Devin at ang iba Pa naming ka banda ay nag attend din ng graduation ko. Devin invited us for dinner at treat daw niya pero Hindi ko inaasahan na pinasara pala niya ang buong restaurant para kami lang ang tao. “Congratulations Anak” bati ng mamay sabay abot ng velvet box. “May, Hindi na po ito kailangan Kayo lang po sapat na” binuksan ko ang velvet box at nag lalaman ito ng gold na Necklace na my Rose Locket pendant. “Buksan mo anak ang pendant” pag bukas ko ng pendant gusto kong maiyak dahil ang litrato na naroon ay ang litrato naming tatlo ng Mamay at Papay. “maraming salamat po May, iingatan ko po ito” niyakap ko ng mahigpit Ang nanay. “Yung kabilang side ng locket Anak doon mo ilalagay ang picture niyo ng magiging pamilya mo” pakiramdam ko namula ako sa sinabi ng Mamay. “Naku may matagal pa pong mangyari yan wala pa nga po akong boyfriend eh” Ngumiti lang ang nanay at nag pa alam para mag CR. “Kami din Beh-Linda may regalo saiyo” inabot din ni Devin ang isang velvet box. Pag bukas ko isa itong bracelet na naka ukit ang name ng banda namin. Nanubig ang mga mata ko dahil naalala ko hindi na nga pala ako Pwedeng maging parte ng banda nila. “Hindi mo ba nagustuhan beh?” Tanong ni Ate Sab. Pinunasan ko ang Luha ko. “Sobra Kong nagustuhan, dahil sakto ito at May bagay na mag papa alala saakin ng pag kakaibigan natin, isasama na kasi ako ng nanay sa Italy” nag ka tinginan silang lahat. “Kailan ang Alis mo beh?” Mabilis na tanong ni Ate Sab. “Sa isang lingo na Ate” biglang tumayo si Devin at nag paalam “Labas lang ako saglit” Maging sila kuya Reggie ay hindi naka kibo tila nabigla sila sa sinabi ko. “Biglaan naman yata beh?” Napahilamos ako sa aking muka. “Ako din ate sobrang nabigla walang na banggit ang Mamay saakin” “Wala na tayong magagawa kung yan ang desisyon ng Mamay mo beh.. sige na at sundan mo si Devin mukang kailangan mong Kausapin” utos ni Kuya Reggie. Nang tumayo ako ay siya namang dating ng Mamay. “Saan ka pupunta anak?” “Mag Cr lang din po May” matapos ay Sinundan ko si Devin sa harap ng restaurant. “Hoy.. nagtatampo ka? Sorry na hindi ko din alam ang plano ng Mamay” humarap ito saakin at hinawakan ang dalawa kong kamay. “ I’m just mad at myself dahil Hindi ko. Pa nga na ipapakita saiyo na gusto kita a-alis ka na nga” nagulat ako sa sinabi ni Devin. “A-ako gus-gusto mo?” Lumapit pa siya saakin at hinawakan ang aking pisngi. “Oo, matagal na Belinda ayoko lang mag tapat dahil natatakot akong iwasan mo ako at ma apektuhan ang banda” Siraulo ba siya ngayon Pa siya mag Tatapat kung kailan aalis na ako. “But don’t worry Belinda susundan kita sa Italy kahit saan lupalop kapa ng Mundo just to show you how much I really like you at gusto kitang ligawan kung ok lang saiyo?” Nagulat pa kami ng biglang May bumanga sa likod ni Devin. “Ay sorry bro Hindi kita nakita akala ko poste ka, pwedeng mag tanong? Bakit sarado ang restaurant” sa lahat ng Pwedeng makita ito pang mam boboso na ito. “I rented the whole place for us” inis na Sagot ni Devin. “Hahahaha, Sayang lang pera mo bro diyan kay Beh.. baka betlogan kalang niyan hahahaha Araayy!” Napa Araayy Ito ng betlogan ko nga siya ulit sabay hila ko kay Devin papasok sa restaurant. “Babaeng mahilig mang betlog may araw ka din saakin!!” Dinig Kong sigaw nito ngunit Hindi ko na Ito nilingon “Good luck! Hindi mo na ako makikita dahil aalis na ako ng Pilipinas” kausap ko sarili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD