Kei's POV
Papunta ako ngayon sa bahay ni Jessica, current girlfriend ko, para magcelebrate ng New Year. Sya lang raw kasi mag-isa sa bahay nila and she's feeling lonely. But knowing her, I know she's feeling another thing. Two weeks palang kami but she’s already giving me a different kind of “happiness.”
I need to get there quickly. I already have everything. Lalo na yung proteksyon na kailangang-kailangan ko para hindi maging batang ama. Though, technically I’m already 20.
I was almost there nang may naramdaman akong bumangga sa gilid ng sasakyan ko, so bumaba ako to check what it was. It might be a new holiday modus but I’m equipped with taekwondo skills. I hold a black belt. Kabababa ko lang nung may babaeng biglang kumapit sa braso ko.
"Babe, ang tagal mo naman?! Kanina ka pa kaya naghihintay sa'yo, " sabi nya.
What the!
She looks familiar pero sino ba 'to? And what did she just call me? Babe?! Goodness! I don't remember having s*x with her kaya alam kong hindi sya isa sa mga naging girlfriend ko.
"T-tara na babe," sabi nya ulit sabay hatak sa'kin papunta somewhere. And yes, she called me 'babe' again.
Teka! Teka! Anong meron? Bakit dinadala nya ako sa compound nila? Wait! Kulto ba 'tong babaeng 'to? Kailangan ba nila ng isasakripisyo?! Naman! Pati ba mga kulto naaakit na sa'kin? Pero teka, di ba dapat yung mga iisasakripisyo eh virgin? Will they kill me if they realize I’m not one?
"Yana!!!" Tawag nung mga tao sa kanya bago tumingin sa'kin.
"S-sino sya?" Tanong nung isang matandang babae na ang lagkit ng tingin sa'kin. Well, can’t blame her.
"He's Kei..." ah so kilala nya ako? How? "B-boyfriend ko.” What?! I'm her boyfriend? Kelan pa?
Magsasalita sana ako pero maya-maya nagputukan na so hindi na ako nakapagsalita dahil biglang nagsigawan na rin ang mga tao dun.
"Happy New Year," sabi ng babaeng yun maya-maya.
"Anong happy sa new year? Who are you again?! At kelan pa naging tayo?!" I asked her, trying to control myself. Naaasar na kasi talaga ako. Ipakilala ba naman kasi nya ako sa neighborhood nila as her boyfriend. I don’t even know her.
"I'm Naiana Elizabeth Francesca. Yana for short. At kelan pa naging tayo? Kani-kanina lang," sagot nya and before she smirked.
What the hell! Bago pa ako makapagsalita, may bigla nang humatak sa akin. Seriously, bakit ang hilig manghatak ng mga tao dito?
Mamaya ka sa’king Yana ka! Hindi ako nakapunta kay Jessica dahil sa’yo. Sa'yo ako babawi.