“Mga beks una na ako ha?” Paalam ko sa mga kaibigan ko na nagmimakeup pa.
“Ay! Wala tayong gala ngayon?” Tanong nila. Minsan kasi pumupunta kami ng SM tuwing uwian.
“Wala eh. Pinapauwi ako ni Tita nang maaga. Aalis kasi sya,” pagsisinungaling ko. Lumungkot yung mukha nila. Di ko na sinabi na kina Kei ako pupunta dahil hahaba pa ang usapan.
“Sige na nga. Mag-ingat ka. Ay teka! Hindi ka ba ihahatid ni ni baby Kei” Tanong ni Eloise na ngayon ay naglilipstick na.
“Di ko alam dun. Sige na mga beks! Alis na ako,” paalam ko.
Tumayo sila at bineso-beso ako bago ako lumabas ng room namin. Nawala sa isip ko yung nakakairitang mukha ng tao na yun dahil kay Chase. Gusto ko mag-assume na attracted din sya sa’kin dahil sa mga pinapahiwatig nya pero ako lang ang masasaktan pag nagkataon.
Okay na rin siguro na magkaibigan lang kami. At leash hindi ako mahihirapang mag-reach out sa kanya.
Naglalakad na ako nang may humila sa’kin
“Ano?” Tanong ko sa taong yun. Si Kei.
“Did to you forget? Pupunta ka sa’min,” sabi nya na medyo nakakunot ang noo.
Ay oo nga pala! Meet the parents nga pala ngayon! Okay lang kaya itsura ko? Oh well, di naman nila ako kailangang magustuhan. After all, di naman talaga kami ng taong ‘to so di ko kailangang magpa-impress.
“Ano? Tara na!” Impatient na sabi nya.
“Oo na, eto na!” Sagot ko saka sumunod sa
kanya.
“You don’t have to feel nervous. Just stick to our story. 5 months na tayo. We met on a school event and we’re madly in love with each other,” sabi nya while driving. Madly in love? Yuck!
“Okay. Whatever,” sagot ko lang.
“Galingan mo umarte ha? Or else kakalas ako sa kasunduan natin,” pamba-blackmail nya. Galing!
Tahimik lang ako ni buong byahe, iniisip kung ano magiging reaction ng parents ni Kei. His family’s rich. Malayong-malayo sa akin. Mamaya mabuko pa pagpapanggap namin sa mga itatanong nila.
“We’re here,” sabi nya sabay hinto ng sasakyan nya sa tapat ng isang magarang bahay. Grabe lang! Parang apat na compound na namin yung katumbas ng bahay nila. Sila na mayaman!
Sinalubong kami ng maid nila at sinabing nasa living room daw yung parents nya.
“Okay lang ba itsura ko?” Tanong ko sa kanya bago kami pumunta ng living room. Bigla akong na-conscious.
Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa saka sinabing “mukha ka pa ring tao,” tapos ayun naglakad na.
Ay bastos! Tinatanong nang maayos eh! Narealize ko na dapat magmukha pa rin akong presentable para di naman nila isipan nang masama ang kinalakihan kong environment. I need to be prim and proper.
“Son! You’re here!” sabi nung babaeng malamang ay mama nya. Pusturang-pustura sya at halatang mayaman talaga. Napatingin sya sa’kin. “Is she..”
Hinila ako ni Kei palapit sa mama nya at sa lalaking ang seryoso masyado tignan na malamang ay papa nya nya. Kei looks like his dad.
“Ma, Pa, I’d like you to meet Yana, my girlfriend,” pakilala nya sa’kin sa mga magulang nya. Inakbayan nya pa ako na ikinailang ko. Nagawi ang mata ko sa lalaking nakamasid sa amin. Kuya ni Kei?
Tumayo yung mama nya at nilapitan ako para yakapin. Awkward.
“H-hi po,” sabi ko pag bitaw nya sa’kin. “Nice to meet you po Mrs. Torres.”
She smiles.
“Oh please, just call me Tita Margaret. And I’m very pleased to meet you to iha,”sabi nya na all smiles pa rin. Ang gaan ng aura nya. Mukhang mabait talaga unlike sa papa ni Kei na mukhang nakakatakot.
“H-hi po, Mr. Torres,” sabi ko naman sa papa ni Kei.
Tinignan nya ako saka tumango.
“Maupo kayong dalawa,” sabi ng papa nya.
Hinawakan ni Kei yung kamay ko nang naupo na kami at napansin kong tinignan yun ng papa nya. Shems! I feel really awkward right now.
“Gaano na ulit kayo katagal?” Tanong ng papa nya habang umiinom ng wine. Sa’kin sya nakatingin.
“F-five months na po,” sagot ko.
Tumango si Mr. Torres.
“How did you two meet?” Tanong nya ulit na sa akin pa rin nakatingin.
“M-may event po kasi nun sa school. Officer po ako ng theatre club at andun po si Kei nanonood-“
“At nalove-at-first-sight ako sa kanya,” tapos ni Kei sa sasabihin ako
Wow! Love-at-first-sight? San galing yun?
“That’s so cute. I’m sure hinanap-hanap mo na sya mula noon,” kinikilig na sabi ni Tita Margaret.
“You said it, ma. And I knew right then, seryoso na ako sa kanya,” sabi nya saka pinisil ng konti yung kamay ko at nginitian pa ako.
Seryoso? Talaga lang ha! Napakagaling umarte.
“Did you hear it Love? First time na sinabi ng anak mo na seryoso sya. They must really love each other!” Sabi ng mama nya sa papa nya.
Tumikhim ang kuya nya saka napatingin sa’kin. He looks like their mom pero ka-aura ng papa nila. Scary!
“I heard there’s a certain girl claiming to be carrying Kei’s child. Di ka ba nagalit?” sa akin sya tumingin. Di ako magpapa-intimidate.
“I know Kei. He has changed simula nang maging kami. I trust him,” sabi ko saka tumingin kay Kei at ngumiti rito.
I saw his brother smirk sa gilid ng mata ko. There’s definitely a tension between them.
Tumikhim ang papa nila. Nagsalita ulit ang kuya nya “I’m pleased to meet you, Yana. Tell me, what does your family do?”
Background check na ba ito?
I decided to tell the truth. Bahala na si Kei. “I came from a humble background. I live with my aunt since my parents were separated. We own a small clothing botique in Divisoria. I’m afraid I have nothing big to offer,” sagot ko.
“Is that so?” sagot ng kuya nya. Tumahimik nang ilang segundo bago ito nagsalita ulit.
“You’re not just after our family’s wealth, right?” mapang-insultong tanong nito.
“Dave!” “Kuya!” sabay na sabi nina Kei at ng mama nila.
“That’s enough!” mariin na sabi ng papa nila. “Yana is our guest. Please show some decency.”
I admit I feel offended sa mga sinabi ng Dave na yun, but I also feel kinda sorry for Kei. He looks so different in school and at home. Malamang dahil yun sa kuya nya.
“I’m sorry you had to deal with my brother,” sabi ni Kei nung ihahatid nya na ako pauwi.
“Nakakastress sa inyo! Para akong nanonood ng teleserye.”
Natawa sya.
“Normal ba yun sa inyo? Kasi mukhang di ka na masyado affected eh,” tabong ko. “I don’t mean to pry. I’m just curious,” dagdag ko.
“Well, my brother’s an asshole. That’s normal. What’s new was my dad’s reaction. I think he appreciated your honesty,' sagot nya.
“Well, they say ‘honesty is the best policy,'” sagot ko. Natawa kami pareho.
Maya-maya pa, nakarating na kami sa tapat ng compound namin. Agad akong bumaba ng kotse nya.
“Yana!” tawag nya. Nakailang hakbang na ako mula sa sasakyan nya.
“Oh?”
“Thank you!”
“Thank you ka dyan! Sagot mo coffee ko bukas,” sagot ko.
Ngumiti sya bago pinaandar ang sasakyan nya. I sighed. I’m just happy to be home.