CHAPTER 7

741 Words
Pinalibutan ako nina Eloise, Gab, at Harry pagdating namin sa room. Buti na lang mukhang wala pang alam mga classmate namin kaya di nila ako dinumog. “Bruha ka! Akala ko ba di ka naniniwala sa pag-ibig?” sabi ni Gab. “Oo nga. Tapos biglang boyfriend mo na si Ke-“ mabilis na tinakpan ni Harry ang bibig ni Eloise saka tumingin sa paligid. “Sorry, sorry. Na-shock lang talaga ako,” sabi nya maya-maya sa mahinang boses. “Spill the tea, besh! Paano naging kayo?” “Don’t tell anyone about this deal, okay?” naalala kong sabi ni Kei. Fine. Sorry my dear friends. I need to keep the truth from you. “I started liking him months ago. Kaya lang, alam ko namang babaero sya at hindi nya ako magiging type kahit kelan, so I keep it to myself,” pagsisinungaling ko. Does that story sound convincing? I don’t think so. I'm “Oh tapos? Paano naging kayo?” tanong. I Harry. “New Year’s Eve, nakita ko sya sa tapat ng gate ng compound namin. Tumirik yung kotse nya, so I offered help. Tapos dun na nagstart.” At least that part was somehow true. Although I never really offered help. “Tadhana naman na pala ang gumawa ng paraan for you,” comment ni Gab. “You know, Yan, we’re happy for you. Kaya lang, you know Kei’s reputation. Baka naman pinaglalaruan ka lang nyan. He’s your first boyfriend, right?” Concern na sabi ni Eloise. Gusto ko sanang sabihin na naglalaro lang talaga kami. “Eloise has a point. Plus the fact na ang daming may gusto sa kanya, so ready ka na ba magkaroon ng bashers?” sabat naman ni Gab. I’m already preparing myself for that. Lunch time. Kumakain kami ng mga kaibigan ko nang mapansin kong napapalingon sa amin ang ilang students sa cafeteria. Inirapan sila ng mga kaibigan ko. Napangiti ako. I can really feel their concern. I feely guilty for lying to them. Maya-maya hinapas ako ni Harry. “Si papa Kei and friends palapit sa’tin!” Sabi nila na biglang nag-ayos ng buhok at nagfoundation. Mga ‘to talaga! “Hi,” sabi nung kung sino man yun sa may batok ko kaya napasigaw ako. “Ay palaka!” Bulalas ko. Pinandilatan ako nina Gab, Eloise at Harry. Nilingon ko kung sino man yung nasa likod ko. Si Kei. Nakangisi sya. “Really, Babe? Mukha akong palaka?” Sabi nya bago naupo sa tabi ko. Kelan pa nagkaroon ng extrang upuan dito “Bakit ka kasi nanggugulat?” Sagot ko. Inakbayan nya pa ako kaya tinignan ko sya nang masama. Todo ngisi lang sya. “Ikaw babe ha. Di mo man lang ako sinabihan na kakain ka na. Sana sabay na lang tayo,” sabi nya sa malambing na boses. Ew. “Ah eh…I forgot! Sorry. Bukas sabay tayo,” nginitian ko sya nang alanganin. “Okay babe. Hey, may sauce ka sa bibig,” sabi nya sabay punas sa gilid ng bibig ko Nanlaki yung mata ko sa ginawa nya. Yung mga kaibigan ko naman kinilig bigla. Pucha! Wala kayang nakakakilig!. “T-thank you,” sabi ko na lang. The heck?Why did I stutter? Get a grip of yourself! Inaasar ka lang nyang damuho na yan! Nilingon ko si Eloise na halatang kinikilig dahil katabi nya si Cal. Basketball player ng school namin si Cal, kaya isa pang hinahabol-habol ng mga kababaihan dito. Sina Zac at Lance naman ay parehong dancer. Kaya kapag may event sa school, palaging sold out ang tickets dahil sa kanila. Napatingin ako kay Kei na biglang tumahimik. Napansin kong iritable yung mukha nya. Napatingin sya sa’kin. “Are you done eating?” Tanong nya. “Oo. Bakit?” Tanong ko rin. Hinila nya ako. “Can I excuse your friend for a while? May pupuntahan lang kami,” sabi nya sa mga kaibigan ko. “Sure!” Sagot ni Gab. “Take care of her!” Sabi naman ni Harry. “Enjoy!” Sabi pa ni Eloise. Mga ‘to talaga! Ipinagkanunulo ako! Tinignan ko sila nang masama lalo na si Eloise na nakahawak na sa braso ni Cal. Si Cal naman halatang umiiwas. Napailing na lang ako. Dinala ako ni Kei palabas ng canteen. Lahat tuloy ng madaanan namin ay nakatingin sa’min. Lalo na sa’kin na ang sama-sama ng tingin nila. Naku ka talaga Kei! Pag may umaway sa’kin kasalan mo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD