Sa kabila ng inis na nadama ay pinilit na ngumiti ni Prince sa mga trabahador na nadadaanan nila. Pinapakilala siya ni Miguel sa mga ito at tinatak niya sa kaniyang kokote na maging mabait para walang makarating na mali sa kaniyang Lolo.
“Magandang araw, senyorito!” masiglang bati sa kaniya ng mga ito habang bahagya pa nilang tinataas ang kanilang mga sumbero sa kaniya.
“Good morning,” pormal niyang tugon.
Akala ni Prince ay didiretso kaagad sila sa palayan ngunit nagulat siya nang dumaan pa sila sa maisang sakop din ng kanilang hacienda. He was in awe when he saw how huge their corn field was. Sobrang dami ring trabahador doon. Bahagyang natuwa si Prince sa kaisipan na halos kalahati ng populasiyon sa probinsiya na ito ay nabigyan ng trabaho ng kanilang pamilya. Kaya siguro maraming nagmamahal sa Lolo at Lola niya rito. They were very kind and helpful.
“Sa palayan na po ang sunod nating tungo, senyorito. May itatanong ka pa po ba tungkol sa maisan o may nais pang makita?”
Prince was stalking behind Miguel habang lumilinga-linga pa rin sa paligid. Nasabi na yata nito lahat sa kaniya kanina kung paano pinapatakbo ang corn field nila at kung ano ang mga gawain doon kaya wala na siyang maisip na tanong. Prince crossed his arms over his chest at tumigil sa paglalakad nang lingunin siya nito.
“Hindi mo ba talaga sasabihin sa akin kung ano ang pinagagawa ko kagabi?” He raised a brow at Miguel.
Nakita niyang nailing si Miguel nang iba ang isagot niya rito. Bahagya itong natawa bago umalis at may kinuha. Pagbalik nito ay may hawak na itong isa pang banig na sumbreo at nagulat siya nang basta na lamang nitong ilagay iyon sa kaniyang ulo. Alas-onse na at tirik na tirik na ang araw.
“Huwag na. Mapapahiya ka lang po, senyorito,” mapaglaro nitong ani.
Tinulak ito ni Prince nang malakas kung kaya natawa ito dahil sa nakikitang galit mula sa kaniya. Gusto nang sapakin ni Prince ang pagmumukha nito! Bumabawi talaga ito sa kaniya. Hindi niya akalaing lumalabas na ang totoong ugali nito.
“f**k you, men!” sigaw niya sa mismong mukha nito ngunit tumalikod na ito at sumenyas na sundan ito.
Padabog na sumunod si Prince. Pinilit niyang kalmahin ang kaniyang sarili kahit ang totoo ay gustong-gusto na niya itong bangasan. Kung hindi lang ito malapit sa Lolo niya at ayaw niyang mabad-shot kaagad ay baka hinamon na niya ito ng suntukan. Hindi siya takot. Prince was used with fighting a lot. Kahit hanggang balikat lang siya ni Miguel ay hindi niya ito aatrasan. Prince was never a coward kahit ilang beses na rin siyang nabugbog at natalo sa isang away.
Tahimik ang pagbaybay nila ng daan patungong palayan. Naiinitan na siya ngunit kailangan niyang magtiis. Kung gusto niya kaagad makauwi sa kinagisnan niyang buhay ay kailangan niyang magtiis. Huwag lang talaga siyang sagarin ng kasama niya ngayon. Well, naisip din ni Prince na siya naman ang nag-umpisa ng lahat kaya bahagya niyang naikalma ang sarili. Hindi na lamang niya ito tutuksuhin ulit sa palayaw nito para matigil na.
“Heto po ang palayan na pagmamay-ari ng inyong pamilya, senyorito. Malawak at malaki ang sakop na hektarya ng inyong palayan. Katunayan nga ay ang hacienda ninyo ang pangunahing pinagkukunan ng mga palay at bigas dito sa probinsiya,” pag-eekspleka sa kaniya ni Miguel dahilan para mawala siya bahagya sa kaniyang iniinda na inis.
Prince scanned the whole rice field and once again, he was in awe. The whole rice field looked so golden at sa tingin niya ay anihan na. Nang maglakad sila papunta sa gitna ng palayan ay kaagad binati si Miguel ng kanilang mga farmers at nang mamataan siya ay bahagya pa silang nagulat nang makitang naroon siya. Mabuti na lang at angay ang naisuoot niya sa kanilang pupuntahan. Hindi naman maputik so his slippers were fine.
“Nagugutom ka na po ba, senyorito?” biglang tanong ni Miguel na kinabigla niya.
Kinapa ni Prince ang cellphone niya sa kaniyang bulsa at noon niya lang nakita na tanghali na pala. He was so indulged with the scenery na hindi na siya nakaramdam ng gutom. Tumango siya kay Miguel at kaagad naman siya nitong inaya sa gilid kung saan may napakalaking puno. Sa baba noon ay may pahabang lamesa na gawa sa kahoy. May ibang mga farmers na roon na dinalhan ng pagkain ng kanilang mga asawa. Nang mamataan silang papalapit ay kaagad nagliwanang ang mga mukha nila.
“Ay, rito rin po pala kayo mananghahalian, senyorito?” tanong ng isa sa mga magsasaka. “Ano ang ipapakain mo kay senyorito, Miguel?”
“Nagbilin po ang senyor na padadalhan niya ng pagkain ang senyorito. Baka rito na po iyon maya-maya. Magpapadala raw po siya ng sakto sa lahat.”
Halatang natuwa ang mga magsasaka sa sa narinig mula kay Miguel. Nagpasalamat naman ang mga ito kay Prince kahit noon niya lang narinig iyon. Alam niyang padadalhan siya ng pagkain, ngunit hindi niya alam na ganoon karami. Ngumiti na lang siya sa mga ito bilang tugon.
Nakikipag-usap si Miguel sa mga magsasaka habang nakaupo sila roon sa lilim. Hindi pa sila nag-umpisang kumain kaya naisip ni Prince na baka hinihintay nila ang pagdating ng mga pagkain at para na rin siguro makasabay siya. Tinignan niya muna ang kaniyang cellphone para makipag-chat sa GC nilang magbarkada at nang magpaalam ang mga ito ay tinignan niya muli si Miguel. Nakikipag-usap pa rin ito sa ibang magsasaka. Napatingin siya sa magsasaka sa harap niya na nakamasid lang din sa kanila. Sa tingin ni Prince ay kaedad lang din ito ni Miguel.
Tumikhim siya na siyang nakakuha ng atensiyon nito. Nailang ito ng bahagya sa kaniya.
“Matanong ko lang, tol,” pauna niyang ani. “Bakit parang… leader ninyo si Miguel? I mean, napapansin ko lang kasi mula pa kanina. May mga nagtatanong sa kaniya tapos kapag may sinabi siya ay sumusunod naman sila.”
Kumunot ang noo ng magsasaka sa kaniya bago nito mukhang nakuha ang kaniyang tanong. Tumingin din ito kay Miguel bago nakangiting ibinalik ang paningin sa kaniya.
“Hindi niyo po pala alam, senyorito? Si Miguel po ang pinagkatiwalaan ng lolo niyo na hawakan ang inyong palayan maging maisan. Halos tatlong taon na siya sa serbisyo.”
Prince was stunned upon hearing that. At that early age ay ganoon na kabigat ang responsibilidad nito? Prince couldn’t help but be amazed. Tama nga ang lola nito sa sinabi nito tungkol kay Miguel na ito ang pinakaresponsableng binata rito sa lugar nila.
“Hindi pa naman siya ganoong katanda, right? Hindi ba siya nag-aaral noon?” tanong niya ulit.
Umiling ang kaharap niya. “Hanggang highschool lang po siya, senyorito. Mas pinili niyang huwag nang magkolehiyo at tumulong na lang kay Aling Mytha. Siyempre ayaw ni Aling Mytha iyon noong una. Sino ba namang magulang ang ayaw na makapagtapos ang anak? Kaso matigas ang ulo ni pareng Miguel. Gastos lang daw iyon. Bata pa lang kasi sanay na iyan sa pagsasaka.”
Hindi na nakasagot pa si Prince nang marinig iyon. Wala siyang masabi. He just realized how big the world was. Na may mga tao pa palang kagaya ni Miguel. He felt a little ashamed of himself. Mayaman sila kaya hindi niya naiisip minsan ang halaga ng pera. Na kahit magrebelde siya, ayos lang dahil sa isip niya noon ay hindi naman mauubos ang yaman nila. Ngunit sa mga kagaya ni Miguel, mahalaga ang bawat sintemo. Handa nitong kalimutan ang sariling pangangailangan para unahin ang kanilang kabuhayan. Well… swerte naman ito sa magulang, bagay na kailanman ay hindi naramdaman ni Prince.
Nawala sa malalim na pag-iisip si Prince nang may dumating na tauhan mula sa kanilang hacienda. Dala na nito ang mga pagkain nila. Tumayo siya para lumapit ngunit mas naging maagap si Miguel sa pagkuha ng mga iyon.
“Let me help,” aniya.
“Maupo ka na lang po roon, senyorito. Ako ang bahala sa iyo,” sagot ni Miguel.
Napabusangot siya. Babarahin pa niya sana ito nang may tumawag sa pangalan nito. Si LJ iyon, may dala na pagkain para kay Miguel. Base sa naobserbahan ni Prince ay mukhang ang dalaga yata palagi ang nagdadala ng pagkain para rito. Naisip niya na magjowa nga talaga siguro ang dalawa.
“Naandito po pala kayo, senyorito.” Nagulat si LJ nang makita siya. “Magandang araw po.”
“Magandang araw rin,” tipid siyang ngumiti.
“Kainan na!”
It was a first time for Prince to eat lunch with this set-up, pero hindi naman siya maarte. Para nga sa kaniya ay payapa pa ang ganoon dahil mahangin at maganda ang tanawin sa paligid nila. It was relaxing.
“Ay, naalala ko lang senyorito, grabe ka po pala malasing ano? Sumakit po yata ang ulo ng lolo mo sa iyo kagabi!”
Nabulunan si Prince at halos madura niya ang kaniyang kinakain nang sabihin iyon ng isa sa mga magsasaka. Kaagad dumapo ang masama niyang tingin nang maubo si Miguel at nag-iwas kaagad ng tingin nang makitang nakatingin siya rito. Nanliit ang mga mata niya dahil halatang nagpipigil ito ng tawa. Ang katabi naman nitong si LJ ay tila walang alam dahil maaaga nga pala itong umuwi kagabi. The farmers laughed na medyo kinainis niya. Prince tried to compose himself.
“Ano ba ang ginawa ko? Hindi ko kasi maalala, eh.” Ngumiti siya nang hindi abot sa magkabila niyang tenga. Yumamukos din ang mga kamao niyang itinago niya sa ibaba ng lamesa. Nakaramdam ulit siya ng kakaibang hiya! Hindi niya ito matatanggap!
“Eh, bigla na lamang po kayong nang-agaw ng mikropono sa mga nagbibidyoke, senyorito. Halos magwala po kayo sa pagkanta tapos nagsasayaw,” pagkuwento ng isa. “Pinipigilan po kayo nila Miguel kaso bote na po ang nilalaklak mo at… umakyat ka pa po sa lamesa para magsayaw ng otso-otso.”
“What?”
Prince couldn’t believe what he heard! He was that wasted at nakita iyon ng lahat! He glared at Miguel nang marinig na niya itong tumawa. Prince bet his face was already red because of shame and anger!
“Sabi ko po sa’yo, eh. Magaling po kayong sumayaw,” patuyang sabi ni Miguel sa kaniya!
Oh! Hindi talaga ito palalagpasin ni Prince! Babawi talaga siya sa kahihiyan na kaniyang natamo!