“Well, look who’s here, if it is not the young Prince of the Torrifiel clan,” anito sa malalim at mapaglarong boses. Napalunok ulit si Prince at halos matuod na sa kinatatayuan niya. Halos hindi siya kumurap masundan lang ang bawat galaw ni Miguel. Nagtungo rin ito sa sink katabi niya at muntik na niya itong hilahin para yakapin. Ngunit naroon din ang pangamba sa puso ni Prince na baka hindi na talaga kagaya ng dati ang lahat, maging ang nararamdaman nito. Prince could almost sense the coldness Miguel was showing to him. Lihim siyang nangiti nang pagak. “I almost didn’t recognize you,” aniya nang mahanap na ang kaniyang mga salita. “You’re not the farmer Miguel, now, huh?” Narinig niya itong tumawa na kinatulala ni Prince sa mukha nito. Kahit ang tawa nito ay sobrang nakapagpa-miss sa k

