“Lolo, do you have any idea about M Company?” tanong ni Prince sa kabilang linya sa kaniyang Lolo. Nakaupo siya noon sa terasa sa kaniyang silid. Nakasuot siya ng roba habang tanaw ang mabituin na langit. Sa maliit na lamesa roon ay nakapatong ang kaniyang laptop at isang bote ng wine kung saan may nakasalin na rin sa maliit na baso. Matagal bago nakasagot ang kaniyang Lolo sa katanungan niyang iyon. “What about that company?” Nanliit ang mga mata ni Prince at bahagyang sumilip sa kaniyang cellphone. “Well…” Tumikhim siya. “Do you know they are now our number one competitor in our area? 1hr drive lang sila sa atin, Lolo, and that company’s achievement shouldn’t be underestimated! From the bottom, they are now at that 5!” Napainom si Prince sa wine niya pagkatapos isumbong lahat ng iy

