KABANATA 6

1673 Words
Halos wala na sa huwisyo si Prince pagkatapos ng engkwentro nila kanina ni Miguel. Kapag tumatabi ito sa kaniya o may tinuturo ay bahagya siyang napapakislot at natutuliro. When it drawn to him, nakaramdam na naman siya ng inis. Feeling niya ay biglang naging superior sa kaniya si Miguel. Pakiramdam niya ay talo na naman siya. Pakiramdam niya ay sa kalooban ni Miguel ay nagsasaya na ito because Prince felt Miguel suddenly had the upper hand over him. At iyon ang mas kinagagalit niya! Wala na siyang pakialam kung siya man ang nauna o kung siya naman talaga ang may kasalanan ng lahat ng ito. Ang naiisip na lamang ni Prince ay ang makabawi kay Miguel at ipakita rito kung sino dapat ang superior! “Mananghalian na muna tayo,” narinig niyang sambit ni Miguel sa lahat. “Senyorito.” Mariin siyang napapikit at tumuwid nang tayo mula sa pagkakayuko. Ramdam niya ang mga butil ng pawis sa kaniyang noo nang tumingin siya kay Miguel. Prince was sure enough that he looked pissed. Ngunit nanatili lang na kalmado si Miguel na tila ba wala itong ginawa sa kaniya kanina. “What?” he lazily asked. Kita niyang bumuntonghininga si Miguel. Pilit yata nitong pinapagaan ang atmospera sa kanilang dalawa. “Kakain na.” Tipid siyang tumango at nilagpasan ito para mauna na sa malapad na lamesa kung saan sila kakain. Kagaya kahapon ay nagpadala na naman ng mga pagkain ang lolo niya kaya siguro wala siyang nakita na mga asawa ng mga magsasaka na may dalang pananghalian para sa kanila. Pagod na pinunasan ni Prince ang kaniyang mga pawis gamit ang likod ng kaniyang kamay. Naisip niya na baka hindi rin pupunta si LJ kaya useless na rin ang nauna niyang plano. But he was not going to gave it up. Mas nag-igi lang ang kagustuhan niyang makabawi. “Kababata ko si LJ.” Nagulat si Prince nang marinig niyang magsalita si Miguel mula sa kaniyang likuran. “Hindi ko siya girlfriend, pero isa siya sa mga importanteng tao sa buhay ko at ayaw kong nasasaktan ang mga importanteng tao sa buhay ko, senyorito. Kung napupusuan mo siya, maintindihan mo sana kung mangingialam muna ako bago ka makarating sa kaniya.” Naging mabilis ang paglingon niya kay Miguel. Natigil siya sa paglalakad kaya ganoon din ito. Diretso ang tingin niya rito habang ganoon din ito sa kaniya. Mabuti na lang at may kalayuan pa sila sa ibang mga magsasaka kaya hindi nila maririnig ang pinag-uusapan nila. “Napupusuan?” Prince chuckled because Miguel got it wrong! He saw how Miguel’s brows furrowed. Naguguluhan na ang expresiyon nito. “Hindi ba iyon ang dahilan bakit mo siya hinahanap? Kung hindi… ay bakit?” The side of Prince’s lips twitched. Gusto niyang sabihin na hindi ganoon, ngunit naisip niya ang kaniyang plano. He could almost hear an evil laugh inside him dahil kung ganoon din pala kaimportante kay Miguel ang babae, maari niya pa rin maituloy ang kaniyang plano. Hindi niya naman sasaktan ang babae, gagamitin niya lang ito ng kaunti. Makita niya lang ang talong-talo na mukha ni Miguel ay ayos na siya. Tumikhim siya. “I was just kind of… attracted,” pagsisinungaling niya. “Wala kang gusto sa kaniya?” Miguel titled his head to the side, ang paningin nito’y tila tinitimbang si Prince. Umiling ito nang marahan. “Importanteng kaibigan lang ang tingin ko sa kaniya…” They fell silent after Miguel said that. Hindi maiwasang isipin ni Prince kung manhid ba si Miguel o wala ba itong nahahalata dahil kahit siya, kitang-kita na may gusto ang babae rito. Prince started to wonder kung may inibig na ba itong si Miguel o naging jowa. Napapilig siya ng ulo. Bakit pati iyon iniisip na niya? Tahimik silang dalawa na nakarating sa hapagkainan. Tuwang-tuwa at nagpasalamat ulit ang mga magsasaka dahil sa mga pagkain. Prince just gave them a small smile. “Oh! Narito pa rin si LJ, oh! Naku, matiyaga talaga sa iyo, Miguel,” biglang sambit ng isang magsasaka noong nasa gitna na sila ng pagkain. Napalingon din si Prince sa tinitignan ng mga magsasaka at nang malingunan ay nakita nga rin niya si LJ. Papalapit ito sa kanila at masayang kumakaway. May dala ulit itong lunchbox na sa tingin ni Prince ay para kay Miguel. Tumingin siya kay Miguel at nakitang umiling lang ito sa mga panunukso. Prince raised a brow at nagpatuloy sa pagkain. “Sabi ko na huwag ka na magdala ng pagkain dahil may mga pagkain na pinadala ang senyor,” dinig ni Prince na sabi ni Miguel. “Ay, pasensiya na. Nasanay na kasi ako. U-Uuwi na lang ako,” tila nahihiyang sagot ni LJ. Nilingon ni Prince ang dalawa. Hawak ni Miguel sa braso si LJ na tila nahihiya nang lumapit sa pwesto nila. He secretly smirked. Nakita niyang tiyempo iyon para umpisahan na ang kaniyang plano. “Nakapag-lunch na ba iyang si LJ, tol?” mahinahon niyang tanong kay Miguel. Tila agila ay tumitig kaagad sa kaniya si Miguel. Naisip niyang baka naisip din nito na nagpapapansin na siya kay LJ. Kung alam lang nito. “A-Ah, senyorito… uuwi na lang po ako,” si LJ ang sumagot. “No. Kung hindi ka pa nakakakain, you could join us. Hindi naman tama na pauwiin na lang ang magandang dilag na kagaya mo na hindi manlang inaalok ng kain,” aniya sa palakaibigan na boses. “Oo nga, LJ! Tama ang senyorito. Salo ka na sa amin at pinaunlakan ka naman,” sang-ayon ng isang magsasaka sa kaniya. Nagkatinginan sina LJ at Miguel. Kita niyang ngumiti si Miguel kay LJ tila pinaparating na ayos lang. Inalalayan nito ang dalaga na makalapit sa pwesto nila. Kaagad siyang umusog para iparating na tumabi sa kaniya ang dalaga. Napagitnaan nila ito ni Miguel. Nang matitigan, noon lang napansin ni Prince na maganda rin talaga ang dalaga. Maamo at tila anghel ang mukha. Napaisip siya kung importanteng kaibigan lang ba talaga ang tingin ni Miguel sa ganito kagandang babae. Maalaga pa dahil hindi nagsasawa na padalhan ang kababata nito ng pagkain. “Luto mo ito?” tanong ni Prince sa dalaga, pinupuna ang lunchbox na dala nito. Nakita niyang napakislot ang dalaga at mukhang nahiya kaagad. Prince observed her. She was prim and proper. Medyo hindi niya type ang ganoon dahil gusto niya ang medyo confident at wild na babae, pero hindi naman lugi dahil maganda naman si LJ at mabait. “O-Opo,” nahihiya nitong turan. She was also soft-spoken. Naisip ni Prince na kaya siguro protective si Miguel sa kababata nito ay tila ito ang klase ng babae na mabilis masaktan. She was fragile and vulnerable. Nakadama siya ng alangan, kaya naisip niya na maging totoo na lang sa pakikipaglapit dito. Tiyak niya’y maiinis pa rin naman niya si Miguel sa ganoon. “Maari ko bang tikman?” Nakarinig si Prince ng kaunting pagtikhim sa mga kasamahan nila sa mesa. Sinulyapan niya ang mga ito at nakitang sumulyap din ang mga ito kay Miguel. Nang nagnakaw rin siya ng tingin sa huli ay nakita niyang tumigil ito sa pagkain at tumitig na lang sa pinggan nito. Halatang nakikinig ito sa usapan nila ni LJ. Prince suddenly got excited. Ewan ba niya, ganoon ang nararamdaman niya sa kaisipan na naiinis o nagagalit na si Miguel kahit noong una niya pa lang itong nakita. Gustong-gusto niya na may mailabas na expresiyon mula rito lalo na kung siya ang dahilan! Lalo na kapag nakatuon sa kaniya ang seryoso nitong mga mata. Ngunit nang maalala niyang nanghina siya kanina sa kaunting galit nito, kaagad niyang kinontra ang sarili. Wala lang iyon. Nabigla lang siya, naisip niya. “A-Ayos lang po? Hindi naman po ako sobrang magaling magluto kaya…” “Oh, c’mon. It’s rare to find a girl who knows how to cook these days. Gusto kong matikman ang luto mo.” Prince smiled widely at LJ at kita niya kung paano namula ang dalaga. Sa huli ay napapayag niya rin ang dalaga. Nanginginig pa ang mga kamay nito nang ilabas ang sinigang na baboy na niluto nito kaya naging maagap siyang tulungan ito. Mukhang natakam din ang iba ngunit mukhang gusto ring paunahin siya. Prince realized how big of a respect people had to their family kahit sa ganoong kilos. Nakakausap, nakakatawanan, nakakahalubilo na niya ang mga ito sa isang hapag, kaso kailangang mauna pa rin siya sa lahat ng bagay dahil siya ang senyorito ng mga Torrifiel. Nang makakuha na siya sa luto ni LJ, nakita niyang halos lahat ay nag-aabang sa magiging kumento niya. Gusto niyang matawa. Prince got a taste at nagulat siya dahil sobrang sarap noon! LJ was a good cook! “Oh, wow!” Totoo ang naging reaksiyon niya. “You could be a good housewife, LJ.” Biglang umugong ang tuksuhan sa lamesa nang sabihin ni Prince iyon. Napatakip si LJ sa mukha nito dahil pulang-pula na ang mukha maging magkabilang tenga nito. Prince laughed at her reaction. Hindi siya nagsinungaling sa papuri niya rito kanina. Bigla lang natahimik ang lahat at napabalik din siya sa dahilan kung bakit binigyan niya ng atensiyon si LJ. Padabog na kumuha ng pagkain si Miguel at halos lahat sila ay napansin iyon. “Ay, mukhang may nagselos,” pabulong na sabi ng isang magsasaka na medyo malapit sa banda niya. “Naku, nagpapakipot pa kasi kay LJ. Kung ako si LJ at si senyorito na ang makapapansin sa akin, lilipat na lang din ako, eh,” sagot din ng isa. Pakiramdam ni Prince ay may nagtatalon sa kalooban niya! Miguel got jealous! And here he said na importanteng kaibigan lang daw si LJ. Ha! Hindi na nawala ang ngiti ni Prince dahil maganda na kaagad ang unang resulta ng plano niya. Ngiting-ngiti siya nang bumalik sa pagkain kung hindi lang nahagip ng mga paningin niya ang masamang titig ni Miguel sa kaniya. Muntik na siyang mabulunan! Dumagundong sa kaba ang dibdib niya dahil sa ikalawang pagkakataon, nakaramdam na naman siya ng kakaibang panghihina sa titig nitong iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD