Natulala si Prince sa kawalan nang marinig mula kay Miguel ang buong kwento ng tunay nitong pag-alis sa probinsiya. Hindi ito nakipagtanan at nagsinungaling si Aling Mytha sa kaniya marahil siguro ay para sa kapakanan ni Miguel. Nanghina si Prince. All those sleepless nights at mga gabi na umiiyak siya dahil kay Miguel ay tila para lang pala sa wala. He’s mad at himself, he’s mad at Miguel, he’s mad at his Lolo, he’s mad at everything. “Bakit hindi mo kaagad sinabi sa akin? Bakit hindi mo ako kinontak all this time? Bakit wala kang sinagot ni isang text o tawag mula sa akin? Kung sinabi mo lang sa akin ang katotohanan, hindi sana naipaglaban nating dalawa ang lahat ng sabay, Miguel!” nanginginig ang boses na sumbat ni Prince kay Miguel. Umiling si Miguel sa sinabi niya, tila hindi nagust

