Silip
"Mas gusto ko ang pagiging guro noon pa man. Dahil kailangan ng mga bata ng wastong edukasyon", napatunganga ako sa sinabi niya.
Gusto ko ang prinsipyo niya sa buhay. Sa kanyang sinabi sa palagay ko hindi siya makasariling tao. Gusto niyang ang mga ginagawa niya ay may kabuluhan.
"Ayan na naman ang prinsipyo mo magkatulad kayo ng namatay mong ama. Sigurado akong maagkapareho kayo ng tatahakin", sabi ni Abel sa kanyang kaibigan na dahilan kung bakit napakunot ang noo nito.
Tumayo si Letty at inagaw sa akin ang platong naglalaman ng sukmani.
"Itatabi ko lang ito sa loob", Letty said awkwardly.
Ano bang nangyari sa tatay niya? Sobrang sakit ba ng sanhi ng pagkamatay nito o maramdamin siyang tao?
"Mas mabuti sigurong mauna na ko. Abel. Good luck. Di na ko makakadalo sa graduation mo sa susunod na linggo", sabi ni Lecio na kumaway sa amin pati kay Letty na kagagaling sa loob ng bahay.
"Pre, hindi ko naman sinasadya na ungkatin yung nakaraan", para bang maamong tupa si Abel paghingi ng tawad nito sa kanyang kaibigan.
"Kuya! Tawag ka ni Inay!", para bang walang narinig si Cade sa sinabi ng kanyang kaibigan dahil sa sigaw ng lalaking nakatayo sa labas ng kahoy na gate nila Abel.
May suot itong kagaya ng sa kanya naka long sleeves at kupas na pantalon. Kahit malayo siya sa amin nasulyapan kong hawig siya ni Cade ngunit mas pinabata at mas maamong bersyon ng mukha nito.
"Ibabalik ko na lang sa inyo mamaya yung pinggan", pahabol na sinabi ni Letty bago tuluyang makalayo si Cade.
Pinagmasdan ko siyang naglalakad palayo habang nakasunod sa lalaking kinaon siya. Bakas ang ngiti sa mukha nitong marungis habang nag kwe-kwento kay Cade, na seryosong nakatuon ang atensyon sa nilalakaran.
Magtatanong sana ako kay Letty kung sino ang batang iyon ngunit nauhanan niya naman ako.
"Si Cazue, ang pangalawang kapatid niya. Yung kanina si Dero, yung kasama niyang magsaka", hindi ko alam na may nakababata siyang kapatid. Noon kasi ay malimit ko lamang siyang makita kasama ang kanyang ama sa pagsasaka.
Matagal na kaming magkakilala. Mas nauna ko pa siyang makilala kaysa kay Abel. I know that Cade's hitting on me. Kahit bata palang kami noon. But I'm so maarte back then. Kaya di niya ko malapitan.
Naalala ko rin noong bumalik ako dito upang maglayas ay binigyan niya ko ng bouquet ng palay. Akala naman ni Abel ay bago palang kaming magkakilala noon. Hindi niya alam since Junior High ay crush na ako nitong si Cade. Hindi man niya aminin pero nararamdaman ko iyon kapag napaparito ako upang magbakasyon.
"Kuya? Ayos ka lang ba?", tinapik ni Letty sa braso ang kapatid nito na nakahalukipkip lamang sa isang tabi. Akala mo'y pinagsakluban ng langit at lupa ang isang ito.
Hindi umimik ang lalaki sa tanong nito. Siguro naisip niyang nasaktan niya ang sariling kaibigan dahil sa walang prenong bibig nito. Pinagmasdan namin siyang lambot ang lakad papasok sa loob.
Nag mwestra akong umupo siya sa tabi ko. Naintindihan niya naman iyon kaya niya ginawa.
"What happened?", kunot-noo ang ginawad ni Letty sa tanong ko.
"I mean...What happened in the past?", muli kong tanong.
"Hindi ko pwedeng i-kwento ng buo ang istorya. Lalo pa't hindi ko naman alam ang buong nangyari", madalas ganyan si Letty kapag may gusto akong malaman.
Hindi siya nag kwe-kwento ng istorya na hindi niya naman lubos maintindihan at lalo na kung hindi niya kung totoong nangyari iyon o hindi.
Pero dahil makulit ako ay gusto ko pa rin malaman.
I'm just f*****g curious.
"Tell me. Just a little bit. Please?", I pouted while looking at her.
"Hindi pwede. Kung gusto mo ay sumama ka sa akin mamaya. Matulog na muna tayo dahil mamayang dapit hapon pa naman iyon", umuna siyang pumasok sa loob habang ako naman ay naiwan lamang doon.
Nagpakawala ako ng malalim na paghinga. Aakma na sana akong papasok ng makita si Cade kasama ang nakababata nitong kapatid.
Kahit malayo ng bahagya pagitan ng bahay sa distansya kung nasaan ako. Kita ko pa rin kung paanong naghubad si Cade at sinabit sa sampayan ang damit nitong pang itaas.
Napalunok ako sa aking nakita. I'm just tracing his effin' body.
His muscles are flexing while he's moving.
Lanjad! Ang init!
I used my hands para paypayan ang aking sarili. Para bang mapuputol ang aking paghinga.
Naputol ang pagpapantasya ko ng kumaway sa akin ang bata saka ngumiti at nagbelat sa akin.
Hindi niya yata ako nakilala. This crazy kid! Sa palagay ko'y siya si Dero.
Kinulbit niya ang kanyang Kuya saka may sinabi na talaga namang kinawindang ko.
"Kuya! Kuya! Sinisilipan ka nung babae o!", nagmadali naman akong magtago sa ilalim ng upuang kawayan pero bigo ako.
"Kita kita", he said in a sexy voice.
Napakagat labi naman ako ng nauntog ako dahil sa pagbalak kong pagtayo.
Nang makatayo na ako ay ginawad ko ang pamatay kong tingin sa kanya.
Ang gwapo nga!
Parang mas gwapo siya ng walang...
"Don't be over to yourself! Akala mo naman talaga you're my type!", nakuha niya pang tumawa sa sinabi ko.
Binasa niya ang sariling labi gamit ng kanyang dila. Napalunok naman ako sa kanyang ginawa.
"Kalma. Wala akong sinabing type mo ko. Nahuli ka sa sarili mong bibig", tumawa siya sa sarili nitong sinabi. Kitang-kita ang perpekto nitong ngiti.
"Look! You're brother is so annoying! Dumila ba naman sa akin!", I crossed my arms.
Madali pa naman akong mainis kapag bata ang gumaganito sa akin.
"Mas hindi katanggap-tanggap kapag ako dumila sayo", matagal kaming nagkatitigan bago niya nakuha ang sarili niyang sinabi.
Nag init ang pisngi ko. He's getting into my nerves. Hindi porket puberty hits him hard ay ginaganito niya ko. Pero kung sabagay, ideal type na nga siya eh.
Kumbaga sa album full package na.
Naputol lamang ang aming paninitig sa isa't-isa ng magsalita ang kapatid nito.
"Oo nga naman, Ate! Hindi naman isip-bata si Kuya para siya ang dumila sayo!"
Kung sabagay ay tama siya. Pero iba kasi ang iniisip ko.
Tumalikod na lamang ako ng hindi tumitingin sa kanilang dalawa lalo na kay Cade.
Muntik pa kong mapatalon sa gulat ng makitang nakatayo si Letty sa harap ko.
"What?!", I shouted at her. Imbis na magtaka siya ay tumawa ito.
Umuna akong maglakad sa kanya papuntang kwarto at binuksan ang electric fan saka humiga ng padabog.
"Nakukuha ko na, Piper. Nanghinayang ka siguro nung binasted mo siya noon"
Nagtaklob ako ng unan dahil sa sinabi nito.
"Hindi ako nanghihinayang. Ano naman kung mabait siyang tao? Saka baka sa una lang yan", tumalikod ako sa kanya at humarap sa pader ng tumabi siya sa akin.
Nararamdaman ko ang hunab ng araw mula sa bubong. Oh my! It's so hot in here. Kung hindi lamang nangyari kanina yung awkward moment na yun ay pipiliin ko na lamang maidlip sa labas.
"Ayoko na lang magsalita ng tungkol kay Cade. Labas na ko kung mahalin mo siya. Basta Piper tandaan mo hindi kayo pwede"
Umayos ako ng higa ng dahil sa sinabi niya. Bakit parang nakaramdam ako ng pagsikip sa dibdib ko?
Bakit parang nanghihinayang ako?
"Attracted lang ako sa kanya. Isa lang akong childhood sweetheart niya"
Humarap naman siya sa akin at ako rin sa kanya.
"Ano yan? Totoo ba? O script ng isang artista?", pinikit ko na lamang ang aking mga mata imbis na sagutin siya.
It's better to sleep than to answer her damn question.
----#ESTA GUERRA---
Pissed off
Ang kanyang mga unan niyang ginamit ay nakasalansan ng maayos sa may pader. Before I finally got up from my bed. I stretched my body.
Nang lumapat ang aking paa sa sahig I just realize that I don't have any slippers. Nakalimutan kong magdala ng tsinelas na panloob. Baka magkaroon ng kalyo itong paa ko. Damn! Ang hirap pa namang tanggalin ang isang yon.
Nasa may patuto pa lamang ako ng pintuan ay amoy ko na agad ang kape na mula sa kusina. It smells so aromatic na para bang hinahalina akong uminom nito. But I have to refuse dahil alam ko'y nahawa iyon sa balat.
Si Abel na nagsasalin ng tubig mula sa takore ay nakangiting tumingin sa akin. Nagmwestra siyang inalok ako ngunit pag iling lamang ang sinagot ko.
No to coffee! Ang hirap pa naman makatulog sa gabi bukod sa nahawa iyon sa balat.
Nilibot ko ang aking mga mata ng tuluyan akong nakalabas sa kwarto ngunit wala si Letty.
"Where's Letty? I thought we we're going to somewhere", si Abel na ngayon ay tapos ng magtimpla ng kape ay pinaupo ako sa kawayang upuan.
"Gusto mo bang manood?", alok nito. Tumayo naman ako para lumabas at doon umupo.
The air from the outside is refreshing while the view of the sunset is waving at me. Para bang namamaalam iyon sa akin habang pinagmamasdan ko.
"Hindi ka na ginising ni Letty. Wag kang mag alala Piper na-repair ko na yung ref namin kaya may malamig na tubig ka ng maiinom", sabi nito habang patuloy na sumisimsim sa mainit nitong kape.
"I wanted to stroll around. Can you please join me?", muntik niya pang maibuga ang iniinom nito. Halatang nagmamadali siya dahil diretso niyang ininom ang kape niya at dali-daling hinugusan ang tasa saka nilagay sa tama nitong lagayan.
Umuna na kong lumabas sa kanya at naglakad-lakad. Napapikit pa ko habang dinadama ang hangin. Nasabay ang mahaba at itim kong buhok sa bawat pag samyo nito sa aking mukha.
Kahit dapit hapon ay may iilan pa rin na mga batang naglalaro sa kalsada. Hindi nila ininda ang gabok ng kalsada.
Umupo ako sa kahoy na upuan sa ilalim ng isang malaking puno. Masaya ko silang pinagmamasdan habang iniintay si Abel. Masyado yatang naging mabilis ang paglalakad ko kaya hindi siya nakasunod agad.
"What's taking him so long? It's been five minutes simula ng lumakad ako", napakamot akong bahagya sa aking noo ng tinignan ko ang aking wrist watch.
Binalik ko ang atensyon ko sa mga batang naglalaro ay isa-isa silang pumulas. Ang ibang mga matatandang naglalakad ay kanya-kanyang takbuhan.
"Magsitago kayo! Dalian ninyo!", babala ng isang matandang lalaki na halos puti na ang lahat ng hibla ng buhok nito. Akma niya pang hahampasin ng patpat ang mga batang hindi siya sinusunod.
Kakatayo ko pa lamang sa aking pwesto ay may mga armado akong lalaking natatanaw sa hindi kalayuan.
Abot kaba ang naramdaman ko. Ano na lang ang gagawin ko?
Lumakad ako ng dahan-dahan ng may biglang...
"Shhh!", sobrang lapit ng mukha niya sa akin dahil sa pagpulupot ng kamay niya sa aking bewang. Ang paghinga niya ay ramdam ko sa aking mukha.
Pinagmasdan ko ng maigi ang mukha nito. Maganda ang mga mata niyang hindi gaanong bilugan, mas lalong nadepina ang balingusan ng ilong nito dahil sa kaunting pagsilip ng araw ng bago dumilim, at ang labi nitong mapupula na sa bawat pagbigkas niya ng salita ay nanlalambot ako.
"Dito ka lang", agad naman siyang bumitaw ng mapansin na malapit ang distansya naming dalawa.
"Bakit anong gagawin mo?", tanong ko.
Imbis na tumingin siya sa akin at sagutin ang tanong ko ay sa iba siya nakatingin. Tinulak ko siya ng bahagya upang makita kung anong tinitignan niya.
Ang grupo ng mga armadong lalaki. Mabuti na lamang at paalis na sila. Pasalamat na lamang ako at nasa likod kami ng punong ito na pinalilibutan ng matataas na d**o.
"Wala kong gagawin sayo. Depende na lang kung...", mariin kong tinapakan ang paa niya.
"Aray! Sakit naman non!", malakas na pagdaing niya.
Padabog akong umalis sa aming kinatatayuan. Kundi lamang siya gwapo ay iisipin kong isa sa siya sa mga iyon.
"Magtago ka! Bumalik sila!", pagkasabi niya nito ay agad naman akong nagkandadapa-dapa dahil sa pagmamadaling makabalik sa pwesto kung saan kami nagtago.
Ngunit laking bigo ko ng mapayakap ako sa kanya at napaibabaw ako sa kanya dahil sa pagbagsak namin pareho sa damuhan.
Para bang ilang bultahe ng kuryente ang nabuhay sa aking katawan.
Ang gwapo! Ang bango!
"Wag kang pumikit. Hindi ito ang tamang lugar para sa pagpapantasya mo sa akin!", at natatawa pa ang loko ng sinabi niya iyon sa akin.
"In your dreams! You homicidal maniac", sabi ko ng nakabawi ako ng tayo. Hindi ko manlang siya tinulungan. Bahala nga siya!
Nakasunod naman siya sa akin habang pabalik ako at si Abel na napakabagal ay palabas palang ng gate nila. May pagtataka sa mukha nito dahil sa pagsunod sa akin ng magaling niyang kaibigan.
"Ako pa ngayon ang homicidal maniac? Alam mo ba ang ibig sabihin non?", hindi ako umimik sa tanong niya.
Para bang nag inusok ang ilong ko.
"Kung hindi ka pumikit sigurado akong hindi ko naman masasabi iyon", he's over to himself. Oo nga't gwapo. Pero gwapong-gwapo siya. Akala mo naman ay hindi siya naging gusgusin ng bata siya.
"Pre, ba't mo naman ginagalit si Senyorita?", singit ni Abel ng makalapit na siya sa amin.
Halatang nag ayos pa ang loko dahil sa bakas ng namumuong polbo sa mukha nito. Inalis iyon ni Cade gamit ang sarili niyang kamay. Siguro ok na silang dalawa.
"Hindi ko alam bakit siya ang nagalit. Eh dapat ako nga itong magalit sa kanya", I glared at him while he's staring at me.
"Mahirap talagang intindihin ang mga babae. Binabaligtad nila ang sitwasyon", half open ang aking bibig dahil sa panggagatong ni Abel.
"Oo nga, Pre. Ang sakit sa ulo. Kung type nila tayo. Magtapat sila sa atin hindi yung kung ano pang ibang bagay ang iniisip", humalakhak silang dalawa ni Abel. Pinagkakaisahan na yata nila ako.
I better leave them lalo pa't wala si Letty. Wala akong kakampi.
Nang mapansin ni Cade na hindi na ko namamansin ay pinigilan ako nito.
"Saan ka pupunta?", hindi ko siya sinagot. Pagalit kong inalis ang pagkakahawak niya sa akin.
"Sa susunod wag kang masyadong pahalata", mas lalong umalingawngaw ang malakas nilang tawanan sa tenga ko.
I'm pissed off! He's making fun at me.
Hindi ako inis dahil trip niya ko.
Kundi dahil kinikilig ako.
Gosh! Piper! Ano ba yang iniisip mo?
----#ESTA GUERRA----