Meisha Rivera POV Ang buong Ashford Estate ay naging abala ngayong linggo. Kung noong nakaraang buwan ay amoy disinfectant at baby powder ang paligid, ngayon ay amoy mamahaling tela, sariwang orchids, at scented candles na. Sa loob ng malaking master suite, nakatayo ako sa harap ng isang floor-to-ceiling mirror. Isang sikat na British designer at ang kanyang team ang kasalukuyang nag-aayos ng laylayan ng suot kong wedding gown. It was a masterpiece. Isang minimalist pero eleganteng silk-satin gown na yakap ang bawat kurba ng katawan ko, kahit na kakapanganak ko lang. "You look ethereal, Ms. Ashford," bulong ng fitter habang ini-adjust ang balikat ng gown. Napangiti ako sa repleksyon ko. Pero sa likod ng saya, may kaba pa rin. Hindi dahil sa duda ako kay Crane, kundi dahil parang panagi

