Hindi ako dinalaw ng antok. Nakatitig lang ako sa kisame habang binibilang ang bawat segundo ng pagtakbo ng orasan sa dingding. Alas-dose... ala-una... bawat kaluskos ng hangin sa labas ng pinto ay tila yabag ni Crane na nagpapatalon sa puso ko sa kaba. Hindi ko na kaya. Ang mansyong ito, na dapat ay simbolo ng bagong simula ni Mama, ay unti-unti nang nagiging piitan ko—at si Crane ang sentensiyador. Nang tumama ang alas-dos ng madaling araw, mabilis akong kumilos na parang isang anino. Kinuha ko ang aking maleta mula sa ilalim ng kama at padaskol na isinilid doon ang ilang pares ng damit, mga dokumento, at mahahalagang gamit. Nanginginig ang aking mga daliri habang dinidial ang numero ni Vel, ang kaisa-isang kaibigan na alam kong gising pa sa ganitong oras at hindi ako huhusgahan. "Hell

