Ang sumunod na limang araw ay tila isang regalong hindi ko inaasahan. Dahil sa isang emergency meeting sa US, kailangang lumipad ni Crane nang madalian. Ang mansyon, na dati ay tila ba isang madilim na kulungan, ay biglang lumiwanag at gumaan. Wala ang mabibigat niyang hakbang sa hallway, wala ang nakakasakal niyang titig sa hapag-kainan, at wala ang takot na baka sa bawat pagpihit ng door knob ko ay siya ang bumungad. Sinamantala ko ang bawat oras. Ginamit ko ang limang araw na iyon para ayusin ang sarili ko. Nag-focus ako sa trabaho, bumawi ng tulog, at unti-unting pinawi ang mga bakas ng kanyang "parusa" sa aking katawan. Pakiramdam ko ay muling bumabalik ang dating Meisha—ang babaeng may kontrol sa sariling buhay. Ngunit sa likod ng isip ko, naroon ang kaba; alam kong pansamantala lan

