"Ma, hindi na ba talaga magbabago ang isip niyo?" pang-sampung beses ko na sigurong tanong kay Mama. Hindi ko alam kung bakit tutol ako sa plano niyang magpakasal ulit. Dahil siguro ayaw kong may bagong mag-mamahal sa kanya at hindi na si papa 'yon.
"Anak, alam kong mahirap para sa iyo itong desisyon ko, pero anak darating ang panahon na magkakaroon ka rin ng pamilya at ayokong maging pabigat sa'yo." mahabang paliwanag ni Mama, hindi ko parin maunawaan kung bakit.
"Ma, kinakaya ko namang magtrabaho para sa atin, ma," hindi ko mapigilan ang mga luha kong umaagos na sa mukha ko. "maganda naman po ang trabaho ko, hindi mo na kailangan humanap ng asawa para buhayin ka."
"Meisha, hindi habang buhay ay kailangan mo akong buhayin. Gusto ko ring sumaya at maramdamang may nagmamahal sa akin maliban sa iyo, at kay Henry ko 'yon naramdaman, anak."
Hindi na ako sumagot dahil alam kong kahit anong tutol ko ay buo na ang desisyon niya, tuluyan ko na lamang siyang iniwan sa sala. Pumasok na ako sa loob ng aking silid, sinarado ang pinto at in-lock ito.
Halos buong maghapon ay umiyak lang ako ng umiyak. Hindi ko matanggap ang desisyon ni Mama dahil parang pakiramdam ko ay magkakaroon na ako ng kahati sa pagmamahal niya.
"Meisha, anak, andito ang Tito Henry mo. Sumabay ka na sa aming maghapunan." narinig ko na wika ni Mama sa labas ng silid.
"Busog pa ako, Ma!" sigaw ko sa kanya kahit kumakalam na ang sikmura ko ay titiisin ko na lang kaysa humarap ako sa hapag na labag sa loob ko.
"MEISHA! Bumaba ka at sumabay sa amin!" rinig kong sigaw ni mama, kaya wala na akong nagawa kung hindi ang sundin siya. Inayos ko muna ang sarili ko bago ako bumaba.
Nadatnan ko si Mama at si Tito Henry na nakaupo na sa dining table, mababakas sa mga mukha nilang masaya sila. Naputol lamang ang usapan nila nang makita ako ni Tito Henry.
"Hija, come join us!" aya nito sa akin. Tipid na ngiti na lamang ang sinagot ko saka ako diretsong umupo katabi ni mama.
"My son, Crane, will be here shortly."
"I'm glad that he was able to come, honey." Saad ni mama.
"He's got a lot of things to do, but this is more important than business." sagot naman ni Tito Henry, tahimik lang akong nakikinig sa usapan nila.
"This will be our first official dinner as a family to discuss the living arrangements after the wedding." bigla akong napalingon kay mama dahil sa narinig ko.
"What do you mean living arrangements, Ma?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Doon na tayo titira sa bahay ng Tito Henry mo, anak."
"W-WHAT? NO!" sigaw ko kay mama, unti-unti ko nang tinatanggap ang pagpapakasal nila pero pagdating sa paglipat at paninirahan sa bahay ni Tito Henry ay hindi na talaga ako papayag.
"You don't have a choice, anak," kalmadong wika niya pero ramdam ko na nagtitimpi na siya, alam kong galit na si mama sa akin. "I already sold this house."
"MA! Ito na lang ang natitirang ala-ala ko kay Papa," hindi ko na napigilan ang luhang umaagos na sa aking mga mata. "how can you be so heartless?"
Tumayo na ako sa aking kinauupuan saka sila iniwang dalawa sa kusina. Nagkulong na lang ulit ako sa aking silid. Hindi ko na pinansin kahit naka ilang tawag na si mama sa akin.
"Hon, hayaan mo na. Maybe she's not yet ready." rinig kong wika ni Tito Henry kay mama.
Tuloy-tuloy parin ang pag-agos ng luha ko, napalingon ako sa may bintana ng may marinig akong ugong ng sasakyan. Siya na siguro ang anak ni Tito Henry. Hindi na ako lumabas ulit ng silid hanggang natulog ako.
Nagising ako bandang alas dos na ng madaling araw dahil sa uhaw na nararamdaman ko. Alam kong tulog na si Mama kaya lumabas na ako ng silid upang uminom ng tubig sa kusina. Madilim ang parte ng sala, pero dahil sanay naman na ako sa bahay ay hindi ko na binuksan ko ilaw.
"I'm glad you're finally awake." nagulat ako sa baritonong boses na nanggagaling sa sala. Nanlamig ako dahil akala ko ay may masamang loob na ang pumasok sa loob ng bahay.
"Who are you?" tanong ko rito kahit mababakas ang takot sa boses ko.
"Your step-bro," tipid na sagot nito sa tanong ko. Parang pamilyar ang boses nito, hindi ko lang maalala kung saan ko ito narinig.
"My dad and your mom went to Singapore an hour ago." napakunot ang noo niya, hindi niya alam kung bakit nandito itong lalaking nagpakilalang step-brother niya.
"Then why are you here?" taas ang kilay na tanong ko.
"Your mom ask me to accompany you."
"I'd rather be alone right now." walang ganang sagot ko sa kanya. Sanay naman na akong mag-isa kaya hindi na niya kailangang mag-aksaya ng oras para samahan ako.
Hindi ko na siya tinapunan ng tingin at dumiretso na ako sa kusina para gawin ang kailangan kong gawin. Paakyat na ako sa kwarto ng bigla itong magsalita.
"How have you been, Meisha?" tila naitulos siya sa kanyang kinatatayuan ng marinig niya ang tanong na 'yon. Isang tao lamang ang sumagi sa isip niya pero isinawalang bahala niya na lamang ito marahil ay mali lang siya ng taong nasa isip niya.
"I don't even know you, why ask?"
"Still the same rude woman." bulong nito pero sapat na para marinig niya.
"You know what? Just leave me alone." masungit na sagot niya rito saka siya tuluyang tumalikod at umakyat na sa kanyang silid.
Makalipas ang ilang minuto ay narinig na niya ang sasakyan nitong palayo sa bahay nila. Hindi siya dinalaw ng antok kahit paulit-ulit sumasagi sa kanya ang lalaking matagal na niyang kinalimutan. Isang gabing pagkakamali lamang iyon, pero ilang taon ang ginugol niya para mawala sa isip niya, pero ngayon bumalik na naman ang ala-alang ayaw na niyang balikan dahil sa lalaking nagpakilalang step-brother niya.
"Sino ka ba Crane De Vera?" bulong nito sa sarili.