Meisha Rivera POV Sa wakas, natapos din ang mahabang selebrasyon. Ang ingay ng mga tawanan, ang tunog ng mga basong nagbabanggaan para sa toast, at ang kislap ng mga fireworks ay napalitan na ng isang uri ng katahimikan na matagal ko nang hinahangad at ito ang katahimikan ng pagiging isa naming dalawa ni Crane. Nandito kami ngayon sa penthouse ng isa sa mga pinakasikat na hotel sa London, ang honeymoon suite na regalo ni Daddy Alistair. Ang buong silid ay nababalot ng mahinang liwanag mula sa mga scented candles na amoy vanilla at sea salt. May mga petals ng puting rosas na nakakalat mula sa pinto hanggang sa king-sized bed na nakaharap sa glass wall, kung saan kitang-kita ang kumukutitap na ilaw ng siyudad. Nakatayo ako sa harap ng bintana, suot pa rin ang aking wedding gown, pero wala

