"And then what happened?!! Dont tell me bumigay ka kaagad? Naging marupok ka ba na nilalang na unti-unting sinisira ng anay nang pagnanasa?! Ano na Leaf?!" Tanong ni Meg sa akin habang kanina pa palakad lakad sa salas ng apartment ko. Kararating ko lang kahapon mula sa byahe namin sa bahay nila Aling Martha and as expected.. things did not run smoothly. Ang gulo sobrang gulo actually ...thats why I asked Ate Shirly and Meg to help me. "Pumirmi ka nga Meg, akala mo naman nagiisip ka talaga kung makapag-emote ka diyan. Lakas mo makananay kay Leaf niyan eh!" Saway ni Ate Shirly dito "Mahal ko pa siya..." nakayuko kong sabi "Tignan mo?!!! Ano ka ba Leaf? I thought okay ka na?! Ano tong mahal mo pa? Ang lakas mo makateen-ager niyan!" Sabi ni Meg "Ano ba Meg?! Will you shut up! This is no j

