Ganito nga siguro ang sinasabi nila, na sa tuwing masaya ka ay hindi mo namamalayan ang paglipas ng oras. Tama nga yung sinabi ng siraulong yun na kung patuloy akong matatakot...hindi ako sasaya. I guess I am happy to say na mas masaya at okay na ako ngayon. Sino ba naman ang hindi mageenjoy sa araw-araw na kalokohan at kasirauluhan ni Rafael na nakasayan ko na sa loob ng isang buwan. Ang bilis ng oras, isang buwan na palang nanggugulo sa buhay ko anh ungas na ito. Pero sa lahat ng uri nang panggugulo,yung kanya ang hinahanap-hanap ko. Patuloy pa rin siya sa panliligaw niya kuno pero hindi ko naman nararamdaman dahil pang-aangas lang naman ang ginagawa niya. Ganunpaman aaminin ko na sa likod nang kayabangan niya ay nakikita ko yung care niya sa akin. Mali ata na hinusgahan ko siya noon s

