"MUKHANG good mood ang bosing ko, ah!" sabi ni Mona nang salubungin siya nito sa may grand floor ng Queen's Wardrobe building. "Dahil ho ba kay sir Aldrich?" tanong pa nito. "Hindi ba pwedeng maganda lang ang tulog ko?" "Naku si Ma'am Ruby, nagde-deny pa. Hindi ho ba sa bahay ka na niya nakatira ngayon?" "Paano mo nalaman?" tanong niya na hindu naman masyadong nagulat na alam na nito. "Narinig ko ho kahapon na sinabi sa'yo ni Sir Dave pogi. Alam ko ho kasi na doon nakatira si Sir Aldrich at Sir Alvaro." Napakunot noo siya. Doon din ba nakatira si Aldrich? Bakit hindi niya alam ang tungkol 'dun? Dibale pwede naman niyang itanong kay Alvaro pag may pagakataon. Pagkasababa nila sa elevator ay napatigil siya nang bumungad sa kanya ang lalaking hindi niya inaasahan pang makita. Naghihint

