KABADO si Ruby nang pumasok sila ni Alvaro sa hotel room na okupado nila. Pareho silang tahimik pero nahuhuli niya si Alvaro na sumusulyap-sulyap sa kanya. Gustong batukan ni Ruby ang sarili dahil kung maka akto siya sa mga oras na iyon ay para pa siyang isang birhen. Para kasi sa kanya ay iba ang sitwasyon ngayon dahil sa mag-asawa na sila ni Alvaro. "What do you want to eat?" pukaw nito sa kanya na kinakibot ng katawan niya. "Kahit ano," sabi niya na naupo sa sofa. "How about drink? You want wine?" tanong pa nito habang hawak ang telepono ng hotel. "Anything," Nginitian siya nito bago tuluyang nag-dial at ilang segundo ay may kausap na ito mula sa kabilang linya at agad na nag-oder ng makakain nila. Pagkatapos nitong mag-order, lumapit ito sa kanya at naupo sa tabi niya. "You look

