Kitang-kita ni Omeng sa mga mata ni Gabie ang lungkot na parang matagal na nitong kinikimkim. Nangingilid ang luha nito. Gusto sana niya itong lapitan at kulungin sa kanyang mga bisig. I want to console her. Did I hurt her? “Gabie, I'm really sorry. I'm sorry if I offended you. Ayoko lang masaktan ka kasi masasaktan din ako kapag nangyari ʼyon kasi... ah... kasi importante ka sa akin. Mahalaga ka sa akin,” paliwanag niya rito. Hindi pa rin ito umiimik at sa halip ay biglang tumalikod sa kanya at tila nagpahid ng luha. Hindi niya kayang makitang umiyak si Gabie kaya humakbang siya at akmang lalapitan ito ngunit hindi pa man siya nakakahakbang muli ay biglang nagsalita si Gabie. “It's alright, Omeng. I think I over reacted, I'm sorry din. Maraming salamat sa concern,” pagkasabi ni Gabie

