Chapter Four

1686 Words
Hindi pa rin nakaka-get over si Gabie sa nangyari nang nagdaang gabi. Hindi tuloy niya maiwasang mainis at maisip na tama ba namang ang Tatay pa niya ang manlaglag sa kanya. Nang wala ng masabi si Gabie sa pambubuko ng Tatay niya ay hindi na rin nagtagal si Omeng at nagpaalam na ito. Pumasok ito sa kusina at magalang na nagpaalam sa kanyang mga magulang. “Aalis ka na kaagad? Ang bilis mo naman ay hindi ka pa nga yata kumakain?” nagtatakang tanong ni Tatay Gabriel kay Omeng. “Ay okay lang po, busog pa naman po ako at mayroon din pong konting handaan sa bahay,” paliwanag naman niya. “Ay siya sige, tumagay ka na lang bago ka man lang umalis,” sabi ng Tatay ni Gabie sabay abot ng shot glass na may lamang Chivas Regal. Kinuha niya ang shot glass at bago niya ininom ang laman ay humarap muna siya kay Gabie at itinaas ang hawak na shot glass. “Para sa crush mo, Gabie, na soccer player at soon-to-be Engineer!” Pagkasabi niya noon ay agad na niyang ininom ang alak habang nakangiti at titig na titig kay Gabie. Nakaalis na si Omeng pero hindi pa rin makaalis si Gabie sa kinatatayuan niya. Nakakahiya talaga! Mabuti na lang at hindi ako nilamon ng lupa sa pagkapahiya ko! Agad na siyang pumunta sa kanyang kuwarto at nakatulugan na ang kaiisip sa nangyari dahil na rin sa pagod at puyat. Kinabukasan ay hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari ng nagdaang gabi. Totoo ba talagang nangyari ʼyong kagabi o masamang panaginip lang? tanong niya sa sarili. Hays, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag nagkita kami sa campus ni Omeng. Nakakahiya talaga! Halos sabunutan na niya ang sarili. Hindi malabong magkita silang muli ni Omeng dahil kailangan niyang pumunta sa campus para mag-process ng clearance. Gusto na niyang tapusin kaagad iyon para makapagsimula na siya ng job hunting. Pero kung gugustuhin naman nila ni Edne ay hindi na nila kailangan pang umalis dahil may offer sa kanila ang Dean ng College of Arts and Sciences na teaching load para sa susunod na pasukan. Part-time pa nga lang iyon at wala pang item o appointment para sa permanenteng posisyon. Maganda na rin sanang opportunity iyon para sa kanila pero mas gusto nilang mag-explore ng ibang opportunities sa ibang lugar. Ilang taon din naman kasi silang namalagi sa University and they both want to try their luck outside the four corners of the campus. Malay mo may better opportunities pa sa labas, naisip niya. Dali-dali siyang naligo at bumaba. Nagulat siya nang makita si Edne na naghihintay na sa kanya. “Aba, himala! Andiyan ka na pala, bakit hindi mo yata ako binulabog sa itaas ngayon?” nagtatakang tanong niya kay Edne. “Eh, kasi mas interesado ako sa kuwento ni Nanay Alona. At saka teka lang, nagtataka ako dahil si Nanay pa talaga ang nagkuwento sa akin, ha!” paliwanag ni Edne, may halong pagtatampo ang tono. “Ang alin ba?” tanong niya na animo ay hindi alam ang ibig sabihin nito. “Alin, alin ka dʼyan! Hoy, Gabrielle, kailan mo balak sabihin na kayo na ng Romeong ʼyan?” giit nito. Nanlaki ang mata niya at hindi napigilang mapatawa. “Ang OA mo na naman! Kami agad? How I wish na kami na nga!” Muli siyang humalakhak. “Joke lang! Kapag ba napadaan dito sa bahay, boyfriend ko na agad? Eh, siyempre hindi naman. Kaya walang KAMI, Bes. Hindi ka nahuhuli sa balita kaya huwag ka ng magtampo, okay?” paliwanag niya kay Edne. “Eh, anong ginawa ni Omeng dito kagabi?” Napansin nito na ngumiti siya. “Uy, kinikilig ang Lola mo! Ang landi! ʼNay, kinikilig, oh!” tawag nito kay Nanay Alona. “Ano ka ba, huwag ka ngang maingay dʼyan!” saway ni Gabie sa kaibigan. “Ewan ko nga ba kay Omeng kung bakit napaligaw dito, nagtataka nga rin ako, eh. Hindi ko naman sʼya inaasahan na tototohanin ʼyong imbitasyon ko.” Pagkasabi niya nito ay niyaya na niya itong umalis. Habang papunta sila ng campus ay ikinuwento niya ng buo kay Edne ang totoong nangyari. Panay ang tili nito. “Bes, baka ʼyon na ang simula ng new love life mo.” Alam kasi nito na matagal na siyang hindi nag-e-entertain ng mga manliligaw dahil sa sad experience niya sa kanyang last boyfriend. Nang marating nila ang campus ay agad silang kumuha ng clearance form mula sa Registrar's Office at nagsimula na silang magpapirma sa bawat departments. SAMANTALA, hindi rin makapaniwala si Omeng sa sinabi ng Tatay ni Gabie na crush siya nito. Kitang-kita niya ang pamumula ng pisngi nito habang nagsasalita si Tatay Gabriel. Hindi naman maitago ang kanyang ngiti habang iniinom ang tagay na ibinigay sa kanya ng Tatay nito, animo ay hindi mapait ang lasa ng alak. Pagkainom ay masaya siyang nagpaalam kay Nanay Alona at sa natitira pang mga bisita nila. Hindi pa rin nagsasalita si Gabie kung hindi puro tango lang hanggang sa makaalis siya. Nang pumunta siya sa campus kinabukasan para mag-asikaso ng clearance ay madali siyang nakapagpapirma sa President at Treasurer ng Engineering students, ganoon din sa Library Head kaya dumiretso na siya sa Accounting Department. Kahit mahaba ang pila pagdating sa nasabing department, natuwa pa rin siya dahil nang lumapit siya sa huling nakapila ay nakita niya agad sina Edne at Gabie. Napansin niya na siniko ni Edne si Gabie sa tagiliran, na noon ay abala sa pag-browse ng kanyang cellphone. Dahil sa pagkagulat ni Gabie, dumulas sa kamay niya ang hawak na cellphone at nalaglag sa semento, dahilan upang matanggal ang casing ng cellphone nito. “Ano ka ba naman, Edne! Bakit ka ba nanggugulat? Ayan tuloy, nalaglag ang cellphone ko!” malakas na bulyaw ni Gabie kay Edne. “Ay, sorry naman po, hindi ko sinasadya kasi naman super busy ka dʼyan sa kate-text, eh,” paliwanag naman ni Edne. Hindi pa rin napapansin ni Gabie si Omeng kaya binati na niya ito habang pinupulot at abala sa pag-aayos ng cellphone nito. “Hi, Gabie! Anong nangyari sa cellphone mo?” Gulat na napatingala si Gabie sa kanya at agad na pinamulahan ng pisngi. “Ha? Ah... eh... kasi si ano, si Edne ano, ah... siniko ako kaya ayan, ano, n-nasira tuloy ang cellphone ko,” nauutal na paliwanag nito habang nakairap kay Edne. “Bakit ako? Si Omeng ang sisihin mo,” nakangiting sagot ni Edne, sabay kindat sa kanya. Nakuha naman niya ang ibig sabihin nito kaya sinakyan na lang niya ang biro nito. “Ako? Ano naman ang kinalaman ko dʼyan?” nakangiti ring sagot niya kay Edne. “Ewan ko sa inyong dalawa!” Pagkasabi noon ay agad na lumakad si Gabie at sumunod sa nasa unahan niyang pila dahil umusad na ang mga nauna sa kanila. Iniwan sila nito at sabay silang nagkatawanan habang inaayos pa rin ni Gabie ang cellphone nito. Agad na sumunod sina Edne at Omeng kay Gabie. Napansin ni Omeng na nakasimangot ito. “Sorry na, hindi ko naman sinasadya, eh,” paumanhin ni Edne rito. Hindi pa rin umimik si Gabie. “Ikaw kasi,” bulong ni Edne kay Omeng. “Bakit ako? Anong ginawa ko? Ikaw kaya ang naniko sa kanya kaya nalaglag ʼyong cellphone niya,” pabulong din na sagot niya dito. “Tumigil na nga kayo dʼyan! Hindi naman ako bingi, nagbulungan pa kayo eh, rinig na rinig ko naman! Pasalamat ka Edne at nabuhay pa 'tong cellphone ko kasi kung hindi papapalitan ko talaga ito sa 'yo,” seryoso pa rin si Gabie. “Bes, sorry na nga. Okay na naman ʼyang cellphone mo, ʼdi ba?” Nginitian ni Edne si Gabie na tila batang nagpapa-cute. “Siyanga, ʼwag ka na sumimangot, hindi bagay sa 'yo. Smile ka na dʼyan, Miss Tawa.” Pinilit ngumiti ni Gabie. “Okay, tara na at tayo na ang kasunod.” Nagmamadaling tumalikod ito pagkasabi noon. Agad na sumunod dito si Edne at Omeng. Lunch time na nang matapos sila magpapirma ng clearance kaya niyaya ni Omeng sina Edne at Gabie na pumunta sa canteen para kumain. Walang pag-aatubili na pumayag si Edne pero napansin niya na parang nag-aalangan si Gabie. “Sige na, treat ko na ʼto bago man lang tayo magkahiwa-hiwalay,” sabi niya, patungkol kay Gabie. “Ha, bakit, saan ka naman pupunta?” tanong nito sa kanya. “Eh, ʼdi ba magdya-job hunting kayo sa Manila? Tapos ako naman ay magre-review para sa board exam,” paliwanag niya. Kumunot ang noo ni Gabie. “At bakit mo naman nalaman na pupunta kami sa Manila?” tanong nito. “Ahm, nabanggit ko kasi sa kanya, Bes!” agad na sagot ni Edne. “Ah, ok. Ang daldal mo rin talaga, ano?” Inirapan nito si Edne. Pagkatapos nito ay dumiretso na sila sa canteen, tinanong ni Omeng kung ano ang gustong kainin ni Gabie at Edne. Nang malaman niya ang order nila ay iniwanan niya ang dalawa at pumunta na sa counter para kunin ang pagkain. Matapos ito ay pumila na siya para bayaran ito sa kahera. Habang nakapila ay napadako ang tingin niya kay Gabie na noon ay nakatingin din pala sa kanya. Agad naman itong nagbaba ng tingin at tumingin sa ibang direksiyon. Aliw na aliw siyang titigan ito. Bakit ngayon ko lang napansin ang simpleng ganda ni Gabie? tanong niya sa sarili. Natatandaan pa niya noon nang nagpatulong sa kanya ang kanyang classmate na ipakilala raw niya ito kay Gabie. Nagdahilan lang siya na hindi niya masyadong kilala si Gabie kaya hindi niya ito naipakilala. Pero ang totoo, ayaw lang talaga niyang ipakilala si Gabie dito dahil nakaramdam siya ng selos. Pagkatapos nila kumain ay nagpaalam si Edne na pupunta muna sa lady's room kaya naiwan si Omeng at Gabie. At dahil nahihiya pa rin si Gabie kay Omeng, nanatili siyang tahimik at nagkunwaring nagbabasa ng mga text sa kanyang cellphone.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD