Pagdating ni Gabie sa apartment ay wala si Joan. Naisip niya na malamang ay namalengke ito kagaya ng nakagawian na nito. Agad siyang tumungo sa kanyang kuwarto at nag-empake ng kanyang mga dadalhin papunta sa probinsya para kausapin ang kanyang mga magulang. Nang matapos ay kinuha niya ang ballpen at papel na nasa drawer ng kanyang bedside cabinet. Nagsulat siya roon at nang matapos ay inilagay niya ang ginawang sulat sa harap ng kanilang refrigerator gamit ang maliit na ref magnet. Ito ang nakagawian nila ni Edne kapag nag-iiwan sila ng mga bilin sa bawat isa. Habang ginagawa ito ni Gabie ay tumutulo ang kanyang luha sa pisngi. Sorry kapatid. Sana mapatawad mo ako sa gagawin ko. Lalo pang hindi napigil ni Gabie ang pag-iyak kasabay ng pag-galaw ng kanyang balikat. Nagpalit lang siya

