NAKATITIG si Austine kay Ezrah at ganoon na rin sa kasama nitong lalake at nasaksihan pa niya nang haplusin ni Cassius ang pisngi ng asawa niya na dahilan para mapakuyom siya ng kamao. Nakadama si Austine kaagad ng konsensiya ng umiyak na naman si Ezrah kanina dahil sa pagtatalo niya at nang makalabas ito at sumakay sa motor ni Cassius at sinundan niya ito kaagad habang sakay ng kotse niya. Inakala niya nang nakalayo na ang mga ito at imposible maabutan pa pero hindi kaagad nakalabas ang mga ito sa gate ng subdivision dahil sa visitors ID na ibinalik ni Cassius sa guard kaya nasundan pa niya ang asawa hanggang dito sa restaurant. Nakita niyang ngumiti na si Ezrah kay Cassius at masaya na ang mga itong nagsasabay na kumain ng tanghalian habang siya ay nasa sulok ng lamesa at pinapanood an

