NGAYONG-ARAW na ito umaga pa lang ay abala na si Ezrah kasama ang mga ka-team niya para sa trabaho nila at sinadya nila talaga si Van sa opisina nito na pinayagan din naman ng binata para kuhaan siya ng litrato at may kasamang interview na rin ng ibang team naman na tauhan din sa glamorous magazine. Matapos nilang magtrabaho ay sabay-sabay silang kumain sa cafeteria sa ground building ng opisina ni Van at kasama niya sina Jane, Joshua, Jotham at Lea at ang huli ang namumuno sa team nila habang si Mikaelle naman ay kasama ang ibang team. “Ang gaganda ng kuha mo, Ezrah, hindi ko akalain sa bilis ng panahon ay matututo ka kaagad sa training mo at may talento ka rin sa pagkuha ng litrato,” nakangiting komento ni Lea habang tinitignan ang hawak na camera na DLSR na siyang gumamit kanina sa

