“MAGPATINGIN ka na sa pinsan mong psychiatrist. Sundin mo iyong sinabi niyang magpa-treatment,” sabi ni Ezrah sa asawa habang hubad sila sa kama at magkayakap. “Bakit pa? Sa tingin ko naman ay ayos lang ako,” sabi ni Austine. “Hindi ka ayos dahil may mga hindi ka matandaan na alaala,” tugon niya. Tumingin sa kaniya si Austine at hinaplos ang pisngi niya. “Mahal kita at para sa akin ay iyon ang pinakamahalaga kahit pa wala ang mga alaalang iyon na nawala sa akin,” sabi ni Austine sa kaniya. Napabuntonghininga si Ezrah. Pero siguro ay mabuti na rin na hindi nito matandaan ang lahat ng nangyari rito nang madukot sila dahil baka makasama pa sa asawa niya. Tama naman si Austine na ang mahalaga ay ang pagmamahal nito sa kaniya at masaya sila ngayon na magkasama. “Hindi na naman tayo g

