NAPAGDESISYUNAN nang umuwi ni Austine at kahit gusto na sanang pigilan ni Ezrah ang kagustuhan ng asawa ay mukhang desidido naman na ito kaya hinayaan na lang niya. Sinigurado naman ng Doktor na ayos na ito at p’wedeng magpagaling na lang sa bahay at ang personal na Doktor na lang nito ang titingin sa asawa. Kaya ngayon ang Kuya na lang niya ang inaalagaan kasama si Mikaelle at Amihan at kahit paano ay maayos na ang kalagayan ng kapatid niya. “Iwanan niyo na lang ako kay Mikaelle, Ez, Ami, at bumalik na kayo sa normal niyong buhay. Maayos naman na ang kalagayan ko,” sabi ni Kuya Macky habang pinagbabalata niya ng orange ang kapatid. “Naiintindihan naman ni Ate Jana kung bakit hindi ako nakakapasok,” tugon niya. “Ayoko lang na maabala kayo saka ayos na ako,” tugon ni Kuya. “Gusto ko r

