Pagkatapos ko ay naabutan kong umiinom ng isang basong beer si Sir Ethan habang nakatingin kay Sir Maxene habang naglalakad ito. Napalingon siya sa isang tauhan nila para kausapin pero dahil napatingin siya sa akin, bigla siyang napaatras at napalunok kaagad nang makita niya ako. "W-why are you still here?" gulat niyang tanong sa akin. Sasagot palang sana ako nang si Sir Maxene na nga mismo ang sumagot para sa akin. "From now on, she will stay here. She will be my maid," sagot nito habang patuloy pa rin sa paglalakad. "H-huh?" Nagtataka itong napatingin kay Sir Maxene. "I thought you didn't like her?" Hindi siya pinansin nito at patuloy pa rin sa paglalakad papunta sa office room niya. Napatingin si Sir Ethan muli sa akin at bakas sa mukha niya ang gulat at pagtataka, bigla na lang si

