Nang matapos na ako, dumiretso na nga ako sa kuwarto ni Lei dahil kanina niya pa ako tinatawag. Pagbukas ko ng pinto niya ay bumungad kaagad sa akin ang pulang dress na mukhang fitted pa nga. Dark red ito at simple lang, manipis lang ang strap niya at plain lang. "Tada! This is for you!" masiglang wika ni Lei nang sumilip ito muli sa gilid ng dress. "Nag-abala ka pa," nakangiti kong wika. "Thank you ah... ang totoo kasi niyan wala pa akong naiisip na masusuot mamaya." "That's great! Binili ko talaga 'yan para sa'yo." Ngumiti siya ng matamis. Inabot na niya iyon sa akin at tuwang-tuwa ko naman iyon kinuha. Maganda kasi ito, ngayon na nga lang din ako nakakapagsuot ng mga ganito dahil kay Lei. Nang makita ko ang brand bigla kong nilayo iyon sa akin. "Hala, hindi ko ito matatanggap, ang

