Gano'n pa rin ang posisyon ko, habang si Sir Maxene naman ay nasa likod ko na yakap pa nga sa akin. Parang ibang posisyon ito ah, napaka-awkward. Pakurap-kurap ako at hindi ako makapag-react hanggang sa may marinig muli akong foot step at biglang nagsalita. "W-what's that?" natatawa niyang tanong. "Ipapakita niyo ba sa amin kung anong balak niyong gawin?" Sa pagkakataon na iyon saka lang tumayo si Sir Maxene kaya napatayo rin ako habang hawak-hawak ko ang basahan. "Ano 'yon?" natatawa niya muling tanong habang nakatingin kay Sir Maxene. "Wala lang 'yon, okay? Huwag mong lagyan ng meaning," masungit nitong sagot. "Natapilok lang po si Sir Maxene tapos ayon napasubsob siya sa akin," sagot ko. Tumatango-tango naman si Sir Ethan na may pang-aasar na ngiti pa rin sa labi niya. Ano? May i

