Lahat ay kasya ko, medyo naiiklian lang ako sa mga shorts na binigay sa akin ni Lei. Lumabas ako ng fitting room at nakita ko naman si Lei na naglalakad patungo rito. Bumilis ang lakad niya nang makita ako. "Bakit ang tagal mo?" "Pasensya na," wika ko. "Tingnan mo itong shorts, hindi ba sobrang ikli naman?" Binaba niya ang tingin niya sa suot ko at unti-unting bumuka ang bibig niya. "A-ang ganda! Bagay na bagay sa'yo! Tama lang ang ikli niya." "Sure ka? Hindi ako sanay mag-shorts e," sagot ko. "Ano ka ba! Okay lang 'yan masasanay ka rin. Bagong style mo na iyan nang pananamit, kailangan mo na rin talaga baguhin 'yong suotan mo... at saka hindi naman masyadong maikli 'yan kasi isang dangkal naman bago maabot ang hmmm... alam mo na." Ngumiti siya sa dulo. "Ilabas mo na 'yong mga iyan at

