Maaga akong nagising ngayon at walang katao tao dito sa mansion, parang ako nga lang nandito. Nagluto na ako ng umagahan at sabay linis na rin ako, pero habang naglilinis ako ay paulit ulit na bumabalik sa isipan ko ang nangyari kaninang madaling araw at tila ba'y nararamdaman ko pa rin ang malaki nitong anaconda sa may puson ko. Napailing ako ng todo habang nagpupunas ako ng babasagin na lamesa dito sa may swimmpool area. Kung ano ano na lang talaga ang pumapasok sa isip ko ngayon. Ilang minuto lang ang nakalipas nang mapatingin ako sa loob, saktong nakita ko si Sir Ethan na naglalakad sa labas na papunta sa sala. Pinapanood ko siya at sinisilip na rin kung kasama nga ba niya si Sir Maxene pero hindi ko ito nakita. Tapos naman na ako maglinis dito sa labas kaya pumasok na ako sa loob a

