Bhie, balita ko may gaganaping field trip." Bulong sakin ni Liam, Na pansin kong napa lingon samin si Nash, tinaasan ko lang sya ng kilay, inirapan lang ako nito.
Psh. chismoso talaga!
"Hoy! nakikinig kaba!?" Ani Liam.
"Oo! ano ba kasi yun!?" Inis kong tanong.
"Kitams! dika kasi nakikinig, jusko!" Napa hawak pa ito sa ulo na kala mo stress na stress.
Inirapan ko lang ito.
"Ano kasi ang sasabihin mo?"
"Sabi ko kanina may gaganaping field trip pero hindi ko alam kong saan." Ani nya.
"Talaga, san mo nalaman?" Initesado ako sa sinabi nya.
"Oum? basta sakin na yun." Naka ngisi nyang ani, inismidan ko nalang ito.
Maya lang ay pumasok na si Madam Escanlar, syempre yung mga pasipsip kong kaklase..alam nyo na HAHAHA.
"Good Morning class!"
"Good Morning, Dam!"
"Okay, so.. May gaganaping field trip yung Senior high, which is sa inyo." Pag balita samin ni Madam, yung mga kaklase ko nag hiyawan agad.
Wait! pano si Kit sa bahay? maiiwan sya.
Nag taas ako ng kamay.
"Yes! Ms. Mara." Aniya.
Nahihiya akong tumayo.
"Ah, Dam' pwede pong dalhin ko ang alaga kong pusa?" Tanong ko sa kanya, napa isip pa sya.
"Wala bang mag aalaga sa pusa mo Ms. Mara?" Tanong nya rin.
Umiling ako.
"Wala po eh." Pag sasabi ko ng totoo.
"Okay, basta hindi sya nakaka abala sa iba at sa Field Trip natin." Sabi nya at nag simula ng mag discuss.
yess!
"Tsk, sagabal lang yun!" Dinig kong bulong ng katabi ko na kinainis ko.
"Eh, sagabal? baka ikaw sagabal?" Pag bulong bulong ko rin, pansin kong lumingon ito sakin.
"What!?" Inis kong tanong sa kanya, inikotan lang ako nito ng mata.
"So.. class our lesson for today is, Levels of Biological Organization." Pag discuss ni Madam. Nakinig lang kami, hanggang sa natapos at nag ring ang bell.
"Oh? time na pala, okay class Good Bye!" Paalam ni Madam.
"Bye, Dam!" Paalam namin.
Kinuha ko na ang bag ko at sabay kami ni Liam lumbas.
"Bhie, sunduin muna natin kaya si Shakira." Ani nya.
huh? tama ba yung narinig ko?
"Sige," Pag sang ayon ko nalang sa gusto nya.
Ang Liam namin nagiging straight na hihihihi!
"Hoi! anong tinatawa tawa mo dyan? mukha kang takas mental!" Ngumiwi pa ito pero nginitian ko lang ito pati gilagid labas HAHAHA.
Nag lakad pa kami at nakita ko si Shakira palabas sa classroom nila.
"Oh! nandyan na pala sya eh!"
"Ha? saan?"
Tinuro ko sa kanya.
"Ayon oh." Tinignan ko sya, ywa!para syang sabog kong maka tingin kay Shakira may pa pikit pikit pang nalalaman.
"Oh? nandito kayo?" Tanong nya, inirapan ko ito.
"Picture lang to namin, hindi kami talaga to!" Ani ko.
"Nye nye! panget mo kabanding!" Ani nya at nag yapos ng kamay kay Liam, mukhang nagulat pa ito at NAMULA!? yuck! ako ang nasusuka sa kanila.
"Tara na!" Inis akong nag lakad, mas lalo akong nainis ng madaan ko ang mga mag jowang nag lalampungan.
Like! school po to! hindi bar! gusto ko sabihin yun pero wag nalang, baka sabihan pa akong bitter psh.
Naka rating na kami sa Canteen, at umupo na kami sa upuan namin.
"Ako na ang mag oorder satin." Pag prisenta ni Liam.
"Okay, sige chocolate cake nalang yung sakin at mango shake!" Gusto ko ngayun ng matamis parang ang bitter ko kasi ngayun.
Inamin ko na po!.
"Okay? s-sayo S-shakira?" Eh? utal yarn?
"Ganon nalang rin sakin katulad ng kay Mara." Ani nya.
"Okay sige, hintay lang kayo."
Tumalikod na ito at ako naman ay tatanongin si Shakira.
"Sha! kamusta kayo ni Liam?" Naka ngiting akong kinausap sya.
"Anong kamusta? e parati naman tayong mag kasama?" Ani nya.
"Hindi naman lahat tayo mag kasama, i mean may nang yare ba ng wala ako?" Namula ito at dahan dahan tumango.
Sabi ko na eh!.
"Ano?"
"Nag c-confess sya ng f-fellings sakin." Ani nya.
"We? talaga ba walang harong biro?" Tanong ko pa.
Umiling ito at dahan dahan humalakhak.
"HAHAHAHA LT, joke lang ano kaba! sya mag confess sakin!? HAHAHAHA."
Eh?
"Yung totoo?" Tanong ko pa dito na tumatawa parin.
"Wala, joke lang HAHHAHA!"
Parang ang sarap mang yakap sa leeg, yung tipong di na makaka hinga!.
"Panget mo ka bonding!" Ani ko.
"At least maganda!" Hinawi pa nito ang buhok nya.
Inirapan ko lang ito at hinitay si Liam na dumating. Di rin nag tagal ay dumating na ito kasama ang mga inorder namin.
"Diba may field trip tayo?" Tumango kami ni Shakira.
"Bukas diba wala ring klase?" Tumango uli kami.
"Mamili kaya tayo para sa field trip!" Aya nya samin, na kina palakpak ko.
"Ay, game ako dyan!" Ani ako.
"Ako rin!" Shakira.
"Okay, bukas!" Ani nya.
Kumain na kami, ng nag ring na ang bell.
"Tara na baka nandon na si Madam Escanlar!" Aya ko kay Liam dahil si Shakira na una na kanina.
"Oo wait!" Kinuha nya ang bag nya at sabay kaming nag lakad.
Pumasok kami sa room at umupo, maya lang rin ay pumasok na si Madam Escanlar.
"Class, may bibigay ako sa inyo na parents approval dahil gaganapin sa Negros ang field trip kaya dapat may approval ng magulang." Na lungkot naman ako, ako lang naman kasi mag isa sa bahay pano ko mapa pirma sina Mommy.
"Oh, anong mukha nyan?" Tanong ni Liam.
"Eh, wala kasi sina Mommy sa bahay diba? so.. hindi nila mapirma yung parents approval." Naka nguso kong ani.
Ngumiwi naman ito at dahan dahan tumango.
"Bigay mo sakin, oa pirmahan ko kay Mommy." Naka ngiti nya ani.
Nagulat naman ako sa sinabi nya.
"Weh? talaga ba? OmG! thank you so much!, muah!" Ngumiwi ito uli, psh kala mo hinalikan talaga.
"Oo! kaya bigay mo mamaya sakin ha?" Naka ngiti akong tumango.
Yess! Negross wait for mee!!
"Ito yung parents approval, pasa muna Mr. jose." Ani ni Madam, sa unahan, pinasa nila hangang sa ma punta na samin.
Kinuha ko ang akin at naka ngiting binigay kay Liam.
"Here, thank you uli." Pag pasalamat ko dito.
"Your Welcome,"
Thank you because I have a good friend, like you.
Thank you Liam.