The Game Is Over -05

1200 Words
Nasa Room kami ngayun, ang iba ng iingay, merong nag babatuhan ng papel. Ako naman kanina pa ako nag titimpi sa katabi ko, bwisit talaga hindi titigil. "Ano ba!, hindi kaba titigil!?" Sinigawan ko ito, ngumisi itong nakaka asar. "Ms.Cute, panget mo," Kanina cute ngayun naman ay panget? Inikotan ko nalang ito ng mata. "Maganda sana, sungit naman." I hear him whisper. "I heard you.." "Psh, rinig pa nya yun." Ani nya. Ilang sandali lang ay tumahimik na ang katabi ko. Ilang saglit lang, dumating na si Madam Escanlar. "Good Morning, Class!" Bati nya samin. "Good Morning, Dam!" Sabay na bati namin sa kanya. Ngumiti ito at may kinuha sa kanyang dalang bag. "Copy this one.. Aalis muna ako, dapat pag balik ko tapos na, maliwanag." Madam Escanlar. "Yes, Dam!" Ani namin' lahat. " Okay, good, president ikw na bahala sa mga kaklase mo." Tugon ni Madam, tumango ang president namin. Umalis na si Madam, kami naman ay nag simula ng mag copy. Habang nag susulat ako, biglang may tumabig sa ballpen ko kaya nahulog ito. Narinig ko pa itong tumawa, pinag sawalang bahala ko nalang at inis na dinamput sa ballpen na nahulog sa sahig. Nag simula ulit akong sumulat kaso tinabig nya naman uli ang ballpen. Timpi lang Mara, titigil rin yan. Kinuha ko ang ballpen at nag simula ulit mag sulat, sa pangatlong beses tinabig nya uli, at din na ako na galit. "Ano ba!? ang bastos mo naman! kita mong nag susulat ang tao dito, tapos mang gagago ka!" Sigaw ko dito kaya pati mga kaklase namin at napa tingin narin. "Oh? nag susulat kaba? diko kasi nakita." Pang aasar pa nya. Napa pikit nalang ako dahil sa inis. "Alam ko naman na sinadya mo yun eh! Inano ba kita ha! araw araw mo nalang ako bini-bwisit! ano ba ginawa ko ha!? sagot!" Natahimik ito, hindi sya nag salita kaya nag salita ulit ako. "Dahil ba sa bag nayun!? dahil nasira yun! at ako ang pag buntungan mo ng galit!?" Sigaw ko pa sa kanya. Nanatiling tahimik lang ito. "Ano!? hindi ka makapag salita!?" Hinawakan ni Liam ang kamay ko. "Bhe, tama na." Pero binitiwan ko lang ang kamay nito. "Ha. Ha. Ha!" He is laughing like a demon. "Oh! sabihin na natin..trip ko lang." Pagak akong napa tawa sa sinabi nya. "Trip!? eh pang babastos na yun eh! hindi kana bata para mang trip! immature lang ang gumagawa non!" Pag ka sabi ko non, kinuha ko na ang bag ko at umalis na don. Ramdam kong sumunod si Bakla. Nasa garden kami ngayun, kasama ko na si Shakira at Liam. "Bhe, sana dimo nalang pintulan." Ani ni shakira, tumango naman si Liam. "Oo nga, baka ano pa ang gawin nya sayo, Lalaki sya hindi natin alam kong ano ang kaya nyang gawin." Ani nito. "Hays, hayaan nyo na. Nadala lang talaga ako sa galit, kasi naman nag susulat ako tapos tatabigin ang ballpen ko at tatlong beses pa, aba! kabastusan nayun no!" Ani ko, kinuyom ko ang kamay ko ng maalala ang nangyare. "Sabagay.." Sabay nilang ani. Nag katinginan pa sila at sabay umiwas. Hmm.. I feel like something fishy.. May nang yare ba sa kanila ng hindi ko alam. Bala na nga! "Ehem! Tara na, gura na tayo baka magalit pa si Madam." Aya na ni Liam, pero umiling ako. "Hindi muna ako papasok." Ani ko dito, gulat naman akong tinignan ni shakira. "Ano!? pano kapag nalaman ni Tita nyan! lagot ka na naman nito!" Sermon nya pa sakin. "Hindi nya naman malalaman kong walang mag sasabi." Ani ko. "Ako hindi ko sasabihin, anless may mag sabi, malay mo sina Madam." Pananakot pa nya. Pero hindi na tatalab sakin yun. Iniwan ko nalang sila ni Liam at lumabas na ng gate, hinarangan pa ako ng gard pero may pinakita ako kaya tumabi sya. Nag para ako ng taxi. "Manong, sa malapit na Mall lang po." "Sige po, Ma'am!" Mag w-window shopping lang muna ako, para bawas stress. "Nandito na po tayo, Ma'am." Binayaran ko muna ang driver bago bumaba. Pumasok na ako sa Mall, marami na naman nag bulungan. Hindi naman ako sikat ah. "Bagay syang maging model, ano?" "Oo nga, pang lakad palang nya pasok na." "Kay gandang bata." Napa ngiti ako ng may nag sabi na maganda ako. Shempre maganda naman talaga ako. Tumungo ako sa accessories shop na palagi kong binibilhan, mag window shopping lang talaga ako hindi ako BIBILI!. Wow! lumaki ang mata ko ng makita ang necklace na butterfly ang pendant. Ang ganda bagay sa leeg ko, sinuot ko ito kong bagay ba.. Bagay nga. Lumapit sakin ang sales lady, mukhang bago lang ito diko kasi ma mukaan. "Ah, Ma'am kukonin nyo po ba yan." Sa pag sasalita nya, mukhang nag tataray ito. Anong akala nya sakin walang pera, purket naka uniformed ako. Nginitian ko ito,ng fake rin sympre para patas. "Yes, kukunin ko po ito." Tumaas ang kilay nito at tinignan ako, mula paa hanggang mukha. Aba! anong sa tingin ang ginagawa nya!. "Ma'am, mukhang wala kayong ma ibabayad na ganon ka laki, kung gusto nyo Ma'am meron kami na class A lang." Mataray nitong ani, mukhang napansin ng Manager ang pag tataray nito kaya lumapit sya, kilala ko ito si Tita Jessa kaibigan ni Mommy, at sya rin ang may ari nitong accessories shop. "Anong nang yayare dito?" Tanong nya sakin, nag kibit balikat lang ako. Tinignan nya ang sales lady na mukhang tuta na ngayun. Mukhang kinakabahan ah. "M-ma'am ang istudyante kasi pong ito, gustong bilhin ang butterfly necklaces eh, mukhang wala naman syang pera." Bumalik ang taray mode nito, at aba! inikotan pa ako ng mata. "Ahm! Mara ano ang ginagawa mo dito?" Naka taas kilay pa ito, mataray rin ang isang to. "Hindi bat, oras ng klase ngayun, guto mo bang isumbong kita sa Mommy mo?" Lumaki ang mata ko at umiling. "Of course no! Tita..naman eh." Tamuwa lang ito, nag pa balik balik ang tingin sa amin ng Joana kuno. "Oh! alam mona ngayun Joana, kaya kapag hindi sya nag bayad sabihin mo okay..para malaman ng Mommy nya." Ani nya. Tumango naman ang Joana. "Ano!? wala naman akong planong hindi bayaran ah, may pera ako, hindi kinuha ni Mommy." Kinuha ko ang black card ko at pinakita sa kanya, lumaki naman ang mata ni Joana. "Hala! black card, kung ganon mayaman pala ito." Rinig kong bulong nya. "Ahm! Ma'am sorry po sa sinabi ko kanina at kong pano ko kayo tratuhin." Hingi nya ng pasyensya, tumango ako at ngumiti. "Its okay, basta sakin nayun ag Butterfly necklaces." Ani ko. Ilang oras rin akong nanatili doon at napag pasyahan kong umuwi narin. Kaka rating ko lang sa bahay, nakita ko si Kit na tumatakbo papalapit sakin. "Hello baby! miss mo na si Mommy? huh?" Sinagot nya ako ng 'meow' natawa ako at dinala sya sa kusina, at hinandaan ng cat food. "kumain ka muna ah." Iniwan ko sya don at nag tungo na sa Room ko para maligo, at maka pag pahinga narin. Natapos akong maligo, bumaba muna ako para ma check kong tapos na si Kit sa pag kain. Tapos na ito kaya dinala ko na sya sa kwarto at sabay kami natulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD