Kayler's POV:
Marahan kong hinawakan ang kamay ni Iyah at hinalikan iyon. Damn! She's really beautiful even at short hair.
Gustong-gusto ko na siyang halikan at hilahin patungo sa aming silid. But I want to respect her until our marriage.
Hindi ko lang alam kung papayag siyang magpakasal sa akin. Pero kung oo naman ay talagang hihilahin ko na siya sa simbahan, kahit ngayon pa.
"Why do you keep on smiling?" Tanong niya, habang umiinom ng alak.
Damn! Kanina ko pa siya tinititigan at kanina ko parin alam na unti-unti na siyang nalalasing. At nang tuluyan siyang humilig sa akin ay napa-facepalm na lang ako.
Wala naman siyang problema, pero kung makainom akala mo daig pa ang may dinadalang problema. Tss!
Damn! Sinasabi ko na nga ba, e. Napakamot ako sa ulo habang tinititigan ang maamo at maganda niyang mukha.
"Sige na, dalhin mo na 'yan sa higaan! Nakakaawa naman tingnan!" Sabay nguso ni Jennie.
Mabilis akong tumalima at walang hirap ko siyang binuhat. Mabilis akong naglakad, ngunit biglaan napatigil nang dumikit ang labi niya sa aking leeg. Halos magtayuan pa ang mga balahibo sa aking katawan nang maramdaman ang mainit niyang hininga sa aking leeg.
Damn, baby! H'wag kang ganyan, marupok ako sa'yo. Baka mamaya ay hindi ko mapigilan ang aking sarili.
Pumikit ako saglit at ninamnam ang init ng hininga niya bago muling naglakad at dinala siya sa aming nakatokang silid.
Marahan ko siyang inihiga sa aming kama at tinabihan ko siya matapos tanggalin ang suot niyang tsinelas.
I gently stroked her hair and then kissed her lips. Hindi ko na napigilang ibulong ang sinisigaw ng aking damdamin.
Tulad ng mga bituin na laging kumikinang, ang iyong pagmamahal ay parang langit sa akin, walang hanggan at malawak. Gaya ng isang manlalakbay na naaakit sa liwanag, patuloy akong nadadala sa iyong kinang, sa walang katapusang oras at kalawakan.
Sa bawat pagsikat ng araw, ang aking pagmamahal ay nagbabago, isang walang humpay na pagsikat ng araw sa aking puso. Para sa iyo, ang nagbibigay kulay sa aking pananaw, Paulit-ulit akong nahuhulog sa iyo.
Muli kong hinalikan ang labi niya, at kahit na sinipsip ko na iyon ay hindi parin siya nagising. Gustuhin ko man na may mangyari sa amin ay hindi ko tinuloy. Marahan akong nahiga sa tabi niya at pagkatapos ay natulog na.
Kinabukasan, kami na lang ang narito pati si Jennie. Nauna na raw sila Fil noong madaling araw kasama ang prof namin.
Tss!
"Good morning," bati ko sa kanya nang magising siya, sabay halik sa malambot niyang labi.
TIla nahihiya pa siya at namula ang mukha nang pabalikwas siyang bumangon at mabilis na nagtatakbo patungong cr. Natawa na lang ako habang pinagmamasdan siyang nagmamadali.
Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi habang iniisip ang namumula niyang mukha.
Paglabas niya sa cr ay naamoy ko agad ang mabango niyang amoy na kumakalat sa buong paligid.
I chuckled when I see her, like a shy kitten wearing a bathrobe while getting her clothes from her bag.
Our eyes met, and for a moment, we just stared at each other, both a little unsure but deeply connected.
"Good morning," she said, her voice tinged with nervousness. "Sorry, nahiya kasi ako kanina. Hindi pa ako nakakapagtoothbrush, e." Namumula niyang sabi na muli kong ikinatawa.
Gusto ko sana siyang halikan, pero nagdadalawang isip ako. Baka kasi mamaya ay hindi mapigilan ang aking sarili, lalo na at narito kami sa iisang silid. Ang init ng kanyang katawan ay tila apoy na nagpapaliyab sa aking damdamin. Ang kanyang mga mata, na tila nag-aanyaya, ay nagdudulot ng matinding pagnanasa sa aking puso. Ngunit alam kong kailangan kong magpigil. Mahal ko siya at nirerespeto ko ang kanyang mga hangganan.
Kaya’t sa halip na sundin ang aking pagnanasa, pinili kong yakapin siya ng mahigpit at iparamdam sa kanya ang aking pagmamahal.
"It's okay. Change into your clothes; you might catch a cold," I said as I move and averted my gaze, trying to be considerate while also hiding my own nervousness.
Matapos siyang magbihis ay agad ko na siyang niyaya sa labas.
"Your friend is waiting for you," sambit ko na ikinataranta niya.
"Hala!" Sabay tingin niya sa relo niya at walang sabi-sabing hinawakan ang seradura ng pintuan.
Ngunit bago pa niya mabuksan ang pintuan ay malakas ko siyang hinila paharap sa akin. Kinuha ko ang pagkakataon na iyon upang siya'y mahalikan.
Damn! Halos mangatog ang aking tuhod habang mainit na hinahalikan ang mga labi niyang malambot.
"Akin ka!" Sabik na sabik kong usal sa pagitan ng aming halikan, saka muling hinalikan siya ng mariin, habang ang mga kamay ko ay gumagapang sa makurba niyang katawan hanggang sa mahawakan ko ang matatayog niyang mga s**o.
Shit! Halos mapamura ako nang pakawalan siya.
"I love you," mahina kong sambit, saka niyakap siya nang mahigpit.
Kinagat niya ang labi saka sumagot, "I love you too, Kayler!"Her cheeks were so red that I chuckled.
Sandali ko siyang tinitigan, pagkatapos ay pinunasan ang kanyang labi, at saka inaya palabas ng silid.
Paglabas namin ay natagpuan namin si Jennie sa lobby na nakanguso, halatang naiinip na sa kahihintay.
"Oh my, sorry! Kanina ka pa naghihintay? Where's Fil?" Sabay linga ng girlfriend ko sa paligid.
"Ayun, tumakas kasama si Prof!" Sabay lakad niya palabas ng lobby.
"Huh?" Takang tanong ni Iyah.
Nalasing na kasi siya kagabi kaya hindi niya na alam kung anong nangyayari sa paligid.
"Alam mo na!" Sagot sa kanya ni Jennie. "May sariling mundo 'yung dalawa kaya hayaan na natin. Let's go?"
Isa-isa kong binitbit ang mga gamit namin at nilagay ang mga iyon sa loob ng sasakyan ko at pagkatapos ay pinagbuksan ko silang dalawa ng pintuan. Si Iyah sa harap at sa likod naman si Jennie.
"Thanks! Sana ganito din ka gentleman ang future bf ko!" Tuwang-tuwang sabi ni Jen.
"Oo naman, soon... itaga mo 'yan sa bato!" Sagot sa kaniya ng baby ko.
Pagkahatid ko sa kanilang dalawa ay agad na rin naman akong umuwi. Hindi na ako katulad ng dati na mahilig sa party. Ngayon ay ang kaligayahan ko na lang ay ang makasama ang aking girlfriend.
Kahit ilang beses akng inaaya ng aking barkada ay hindi talaga ako sumasama sa kanila. Ewan ko, nawalan talaga ako ng gana makipagparty sa kanila. Pero kapag si Iyah ang nag-aya, ilang minuto lang ay nasa kanila na agad ako.
That morning was filled with small, intimate moments that made me realize how much I cherished Iyah. From her shy smiles to our playful tease, every second felt special. It’s these little things that make our relationship so meaningful to me.
Pagdating ko sa bahay, sinalubong ako ng aking inang nakasimangot, kasama ang kanyang kaibigang may dalang anak na babae.