Chapter 7

1402 Words
"Pinagpaalam kita kay tita at pumayag na siya!" sambit ni Fil sa akin. "What? nauna ka pa kay mama magpaalam kesa sa akin?" reklamo ko. Saming tatlo si Fil talaga ang mapera, anak mayaman kasi! si Jennie naman ay sunod ang luho niya kay mamita. Mapera din 'yon, kaya madalas ay palagi nila ako nililibre. Nahihiya na nga ako kaya kung minsan sinasabi ko na may trabaho pa ako. Katulad ngayon nauna na naman ang mga bruha magsabi kay mudra. "Pa'no lagi ka nakatanggi!" sabat naman ni Jennie sabay irap sa'kin. "Pa'no namumulubi na ako sa mga utang ko sainyo! pakiramdam ko sing kapal na ng pader ang mukha ko sa kakalibre ninyong dalawa!" nakapameywang kong sambit sa kanilang dalawa. "Hindi ka naman namin sinisingil!" kontra ni Fil. "Oo, ayos lang 'yun! bawi ka na lang kapag ikaw naman ang nagkapera!" may pataas-taas kilay pang sambit ni Jennie. Sabay ko silang inakbayan at pinaghahalikan sa pisngi. "Ang swerte ko talaga sainyo!" may pa-puppy eyes pa akong nalalaman. "So, magkita na lang tayo sa chupeng ha," sambit ni Jennie tapos kumindat pa. "Wow! mapapasubo ba ako sa sarap niyan?" tawang-tawang sambit ni Fil. "Oo!" sabay nag-appear 'yung dalawa at pagkatapos ay humagalpak ng tawa. "Ang gagago ng mga bff ko!" pailing-iling pa ako pero humahagalpak na rin ng tawa. Doon kasi ang meeting place namin bago magkita-kita sa resto bar. Kaya naman kaagad na akong umuwi ng bahay at agad naligo. Nang makalabas ako ay tinanong ako ng aking ina kung saan daw ang raket ko. "Magpapanggap po akong girlfriend ng isang mayaman sa isang dinner party po," "Okay, mag-inga ka, ha! i-text mo agad ako ha, 'wag mong kalimutan i-update ako," sambit niya bago lumabas ng aking room. Nagsuot ako ng isang spaghetti strap mini a-line dress na kulay red na red. Pinaresan ko ng 5 inches red high heels stiletto pumps na may strap na gawa sa pearl. At ang last touch, magpabango ng viva la juicy perfume from juicy couture. Ganito talaga ang sinusuot ko para magmukhang mayaman. Paglabas ko ay ng aking silid ay nariyan na agad sa sala ang aking sundo. "Hello, Miss Aliyah! ipinasusundo ka na sa akin ni Mr. Jimenez." Agad naman akong nagpaalam sa aking ina at agad pinasakay sa passenger seat ng dala niyang sasakyan. Nang makarating sa venue ay agad akong sinalubong ni Mr. Jimenez. "Wow! you're so beautiful, sana ay ako na lang pala ang sumundo sa'yo," parang hindi makapaniwala nitong sambit sa akin. Nagmukha din pala akong foreigner dahil sa aking blonde na wig na umabot sa aking puwetan. "Thank you, Mr, Jimenez!" sabay ngiti ko ng matamis. "Oh, Arthur na lang! Shall we go, Iyah?" Hindi pa man ako nakakasagot ay hinapit niya na agad ako sa aking beywang. Nahigit ko ang aking hininga ng maamoy ang pabango niya. Sobrang bango niya na tila nakakalula iyon. Gwapo siya at Halos kasing edaran ko lang siya, kaya nagtataka ako kung bakit kailangan niya pa ng may magpanggap na girlfriend. Well, bahala siya sa buhay niya basta bayaran niya lang ako pagkatapos. "Reunion kasi namin ngayon at kailangan ko ng ka-date, simple lang 'di ba, pero kailangan nating maging extra sweet para magselos sa akin ang babaeng matagal ko nang gusto," sabay ngiti niya ng matamis. "Walang problema, kayang-kaya ko 'yan!" sagot ko. Nang makarating kami sa table namin ay agad niya akong pinaghila ng upuan. Kauupo ko lang nang mapansin si Kayler sa 'di kalayuan. Shocks! Lord, bakit naman ngayon? Ayokong makita niya na may kasama ako. Baka mamaya kung anong isipin niya. Oh,no! 'wag naman sana niya akong mapansin. Inurong ko ang aking upuan at med'yo hinarap iyon kay Arthur. Pasimple kong tinatakpan ng clutch bag ko ang aking mukha. Nang may dumaan waiter na nag-aalok ng wine ay kumuha ako at agad na ininom iyon. Kailangan ko ata ng pampainit ngayon. Gusto ko lang naman umusod pa ng kaunti para hindi ako makita ni Kayler pero 'tong siraulong Arthur ay hinapit ang aking beywang at mabilis niyang nailapit ang kan'yang bibig sa aking bibig. Agad niyang sinipsip ang ilalim ng aking bibig. Oh, no! Halos man laki ang aking mata nang maghiyawan ang mga tao sa paligid namin at mukhang nasa amin ang atensyon nila. Diyos ko, mahabaging Maria! Nang humiwalay kami ay nakita ko ang babaeng maganda sa harap ng table namin na tila maiiyak. Samantalang ng lingonin ko ang kinaroroonan ni Kayler ay tila galit na galit ito. Mabilis itong naglakad papalapit sa aking kinaroroonan at marahas akong hinila sa kinauupuan ko. "What the f**k are you doing?" galit na galit niyang sita sa akin habang kinakaladkad ako. Tumigil kami sa sulok kung saan walang tao. "Ano ba?! bitawan mo ako!" Dumukot siya ng panyo at ipinunas niya iyon sa aking bibig. "Sinong may sabi sa'yong magpahalik ka sa iba, ha?" "Bakit pagmamay-ari mo ba ako?!" Kumunot ang noo niya at masama niya akong tiningnan. Humakbang siya papalapit sa akin. Sa sobrang lapit ng mukha niya ay parang maduduling ako. Humakbang ako patalikod. "Ano sa tingin mo?" walang kurap-kurap niyang sabi sa akin at inilapit lalo ang kan'yang mukha sa akin. Tila nanant'ya iyon. Oh, please! 'wag mo 'kong tingnan ng ganyan! Sa tingin niya pa lang para akong matutunaw. Oh, God! Bakit siya gan'yan makatingin? Pakiramdam ko ay aapaw ang kilig sa akin ngayon. Shit! pilit kong pinipigilan ang paghinga ko dahil sobrang nako-conscious ako sa paraan ng pagtingin niya. Humakbang pa siya sa akin at ikinawit ang kan'yang kamay sa aking beywang. "Tell me baby, hindi mo ba ako nagustuhan? hmm?" tanong niya. He looked at me with dark piercing eyes na tila ba sa anong oras ay bibigay ang aking tuhod. "Ano?" ulit pa niya Kung hindi lang ako hinalikan ni Arthur ay kanina ko pa siya hinalikan. At isa pa, hindi pa ako handa para sa kan'ya, alam kong hindi siya mapakali sa iisang babae, kaya hindi, Ayoko muna siyang makausap. Sa sobrang kaba ko ay naisip ko na umalis na lang. Pero bago ko ginawa iyon ay sinampal ko siya ng malakas. Mabilis akong tumakbo palabas ng hotel na knaroroonan namin. At agad na pumara ng taxi. Bahala na si arthur kung babayaran niya ako o hindi. Sisingilin ko na lang siya sa muli naming pagkikita. Ang mahalaga ngayon ay matakasan ko si Kayler. Nagtext na lang ako sa mga bff ko na mauuna na ako sa resto bar. Agad akong dumeretso sa limesa at agad naupo. Ipinikit ko saglit ang aking mata. Parang pagod na pagod na ako kakaiwas. Kung minsan ay gusto ko na talagang bumigay. "Ang tigas talaga ng ulo mo!" Bigla na lang may humawak sa aking leeg at marahas akong hinalikan. Halos mapamura ako ng makitang si Kayler ang humahalik sa akin. Tila nadala ako sa kung saan ng mapalitan iyon ng maingat na paghalik. He gently bite my lower lip and then sucks the upper lip. Pagkatapos ay muli akong hinalik-halikan ng smack at muling sinipsip ang pang-ibabang labi ko. Maya-maya ay ipinasok niya sa loob ng aking bibig ang kan'yang dila. Hinuli niya ang aking dila at sinipsip. Oh, dear God! Pakiramdam ko ay sasabog ang dibdib ko sa paraan ng kan'yang paghalik. "I've been waiting for this for so long," aniya sa pagitang ng aming halikan. Sobrang tagal ng aming halikan ngunit ni wala sa amin ang kumikilos upang tapusin iyon. Ramdam ko na rin ang kamay niyang pumipisil-pisil sa aking tagiliran. Hindi sana matitigil ang aming halikan kung 'di lang dahil sa panggugulo ng aking mga kaibigan. "Aheeemmm..." Aheeerrshh..." Automatic kaming naghiwalay ni Kayler nang makitang nakatingin ng masama sa amin ang dalawa kong kaibigan. "Akala ko dudura pa 'ko ng plema para mapansin niyo, e!" nakapemeywang na sabi ni Fil sa amin. Si Jennie naman ay sumingit sa aming dalawa. "Tabi nga!" masungit niyang sambit. "Ikaw ba e, nanliligaw sa manok namin?" nakataas kilay na tanong ni Jennie. Daig pa nila ang nanay ko kung manita! Diyos ko! Tumingin siya sa akin at ngumiti. "P'wede naman kahit na girlfriend ko na siya ngayon!" "Waaaaahhhh!/oh my gosh!" sabayang sigaw ng dalawa kong kaibigan na halos magwala na sila sa kaiirit nila. Ako naman ay napakagat na lang ng labi habang kinikilig na nakatingin kay Kayler. Nang lumipat si Jennie sa tabi ni Fil ay umusod sa tabi ko si kayler at bumulong. "Can't stop thinking about your lips. Damn! I'm so into you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD