Chapter 12

1426 Words
Jennie's Pov: Sumakay kami ng jeep ni Iyah patungo sa isang resort sa pansol. May usapan kasi kaming magkikita-kita sa isang resort. Nahuli kami ni Iyah kasi may pinasa pa kami na output sa prof namin. Dahil siksikan sa jeep ay hindi kami magkatabi ni Iyah. Sa kabilang side naupo si Iyah at hindi rin kami magkatapat kaya nagpalinga-linga na lang ako sa mga kahilera niya. Mula sa pintuan ng jeep, pang apat sa pwesto ng upuan ay natagpuan ng aking mata ang isang pares ng mata na nakatingin sa akin. My brows furrowed. Masungit kong iniwas ang aking mata sa kan'ya. Ano naman kayang tinitingin-tingin niya? Nung ibinalik ko ang panangin ko sa kan'ya ay nginitian niya na ako ng pagkatamis-tamis. Oh, my God! ang gwapo ngumiti! Pantay-pantay ang kan'yang mga ngipin na mapuputi. Hindi ko tuloy naiwasang ngumiti din kaya naman yumuko agad ako sa pagkapahiya. Pakiramdam ko ay namula agad ang aking pisngi dahil nahuli niya akong nakatingin at sinuklian ang kan'yang ngiti. Gosh! Ang hirap naman kasing magkunwari na hindi ako attracted! Oh, lupa kainin mo na ako! Shocks! Kanina lang sinisimangutan ko siya tapos biglang napangiti ako. Oh God, i'm doomed! 'Yung hitsura niya? Naku, teh! Baka sabihin niyo type ko lang siya kaya sobra ako mag-describe pero sasabihin ko na rin. He's a very attractive guy and has a sweltering look, with his deep set of dark-browned eyes. Ang buhok niya na umaalon-alon habang hinahangin ay nakadaragdag sa kagwapuhan niya. Talaga naman makalaglag panty ang hitsura niya. Nakita ko din kanina na nagkakandahaba ang leeg ng mga babaeng kasakay din namin sa jeep, msulyapan lamang siya. Halatang mga kinikilig din kahit hindi naman sila ang tinitingnan. Nasa pang-anim na pwesto ako kaya naman ng bumaba ang dalawang babae sa tabi ko ay umurong ako pakaliwa. Huli na ng maalala ko na magkakatapat nga pala kami kung uusod ako dahil nasa pang-apat na pwesto siya. Agad akong pinamulahan ulit ng pisngi ng mapatingin ako sa kan'ya na ngiting-ngiti habang nakatingin sa akin. Oh, mama mia oh la la! Kilig pempem yarn! He gives me a smile that just seems so genuinely sweet with just the right touch of shyness that i automaticly bite my lower lip. Huuuuy... pabebe! Sa kakangiti niya ng ganoon ay parang gusto ko siyang bigwasan bigla at sabihing huwag niya na akong tingnan. Sobrang nahihiya na ako at ang init-init na ng aking mukha. Kaso beh, gusto ko rin pala ang tinitingnan niya ako. Ang rupok ko, 'di ba! Nang mapadako ang tingin ko kay Iyah ay para na siyang nanunuya sa akin. Papalit-palit ang tingin niya sa amin ng lalakeng katapat ko. Pakiramdam ko ay makukurot ako nito mamaya sa singit. "Hi, I'm Dane, What's yours?" he introduced himself with his soft-spoken voice. He smiled, while extending his hand, reaching toward my side. "J-Jennie!" mautal-utal kong tugon sa kan'ya kasabay noon ang pagsalikop ng aming mga kamay. Tila may kuryente na dumaloy sa aking kamay ng magdaop ang aming mga kamay. Huuuy.... beh! Nakipag-kamay oh! Shocks! Nalaglag ata panty ko, pakikapitan nga! Hindi pa ako tapos maglandi dito, e! Kung p'wede ko lang ipadyak ang aking paa sa kilig, siguro butas na itong jeep sa nag-uumapaw ko na kilig. My smile slowly fade away nang mapadako na naman ang mata ko kay Iyah. Grabe naman siya makatingin, parang nanay lang na nagbabantay. Pati ang ibang mga nakasakay sa jeep ay mga nakatingin na sa aming dalawa. "Can i get your number, please?" deretsuhang tanong nito na ikinalake ng mata ko. Oy, hiningi ang number ko! Pero teka? Uso pa ba 'yon? Ni hindi na nga ako naglo-load, e! Mabilis niyang inabot sa akin ang hawak niyang cellphone kaya wala akong nagawa kung 'di ang i-type ang number ko. Huuuuuy... wala daw nagawa! Neknek mo! Nang matapos ay agad ko iyong ibinigay sa kan'ya. Agad namang nag-ring ang aking phone ng sinubukan niyang tawagan ako. Agad ko rin sinave ang phone number niya nang nakangiti. Hanggang sa bumaba na kami ng jeep ay hindi na naalis ang aking ngiti lalo na nung nagpaalam siya sa akin noong bumaba na kami ni Iyah. "Langya! Nakabingwit ka pa ata ng magiging jowa! Pa-burger ka na d'yan!" sabay siko niya sa akin na ikinatawa ko. "Sus! Wala pa nga, e!" sabay takip ng bag ko sa mukha ko "Wala pa nga, e halos maihi ka na sa kilig kanina sa jeep!" bwelta niya sa akin. "E pa'no ayaw ako lubayan ng tingin! Alam mo naman ako, mahina pagdating sa mga tumititig sa akin, lalo na kung gwapo!" Papikit-pikit ko pang sabi sa kan'ya. "Heh! Nako, bahala ka d'yan!" Hanggang ngayon ay kinikilig parin ako sa pagtatagpo naming dalawa. Bago kami nakapasok sa gate ay may nag-text na agad sa akin. Unknown number: Hi, It's me, Dane! Save my number, please! Hindi na talaga maawat-awat ang kilig ko sa katawan. Ang saya-saya naman ng araw na ito. Pakiramdam ko ay nakapaespesyal ko ngayon. Birthday ko ba? hihi ang swerte ko kasi today. Thank you, Lord! ----- Iyah's Pov: "Nakita kita sa isang magasin Dilaw ang 'yong suot At buhok mo'y green Sa isang tindahan sa may Baclaran Napatingin natulala Sa iyong kagwapuhan Naaalala mo pa ba noong tayo pang dalawa 'Di ko inakalang sisikat ka Tinawanan pa kita Tinawag mo akong walanghiya Medyo pangit ka pa noon hanggang ngayon..." "Hey! wala ba kayong mga kamay d"yan!" singit kong salita. "Iba na ang 'yong ngiti Iba na ang 'yong tingin Nagbago nang lahat sa'yo Sana'y hindi nakita Sana'y walang problema Pagkat kulang ang dala kong pera..." "Pambili oh... Pambili sa mukha mong poging-pogi..." Halos pasigaw na kanta ko. Feel na feel lang ang pagkanta, e. "Wew! Ang saya non!" sambit ni Fil. Nandito kami ngayon ng mga kaibigan ko sa Villa Rica Resort Natripan naming tumambay at mag-swimming. "Kamusta nga pala kayo ni sir Hernandez?" tanong ko kay Fil. "Shocks! anong meron sa kanila?" tanong naman ni Jennie. Umirap ako nang magpatay malisya si Fil sa sinabi ko. Talagang kukurutin ko na siya sa singit. "Uy, si Kayler oh!" paningit ni Fil. Gusto lang ata makalusot sa tanong ko. "Uy, si sir Hernandez!" sambit naman ni Jennie. "Uy, de puta! Bakit may mga partner kayo! Bakit ako wala?" Natawa naman ako sa rant ni Jennie. Kanina lang ay kilig na kilig siya sa jeep ngayon naman nagkakanda-haba ang nguso. "E, bakit hindi mo imbitahin dito 'yon? Malay mo mag-work kayo!" Naawa naman ako sa kan'ya kasi siya lang talaga ang walang partner. "Si Dodong na lang, beb! Ayun oh! Walang ka-partner, oh!" natatawang turo ni Fil sa care taker na kamukha ni Whamos. Natigil ang tawanan namin nang may biglang magandang babae ang yumapos sa care taker na nagdidilig ng halaman. Huuuy.... literal na nalaglag ang panga namin at sabay-sabay kaming nagkatinginan sa isa't-isa sabay tawa. "Kanina pa namin kayo hinahanap, andito lang pala kayo!" nakataas kilay na sabi ni sir Hernandez. "Kung 'di pa ako nagtanong na kay Kayler ay hindi ko malalaman na andito ka!" nakapameywang pa nitong saad. Sumama naman ang tingin sa akin ng dalawang kaibigan ko "Huuuuy... ba't ganyan kayo makatingin? Wala akong alam d'yan!" Sabay takbo ko sa likod ni Kayler. "Babe, oh! Inaapi nila ako, pagtanggol mo naman ako!" sabay nguso ko at kunwari kawawang-kawawa ako sa hitsura ko. Natawa naman siya sabay yakap sa akin. "Huwag niyo ng awayin itong babe ko kasi, tingnan niyo! Mukha ng pato sa haba ng nguso!" "What?! Sabi ko nga, walang magko-comfort sa'kin!" "Hoy, neh! Tigilan mo na pagpapa-kyot d'yan! May kurot ka na sa singit sa'kin d'yan!" "Ganyan na talaga sila ka-hard sa'kin. Nakakaawa naman talaga ako," I murmured sabay tingin na parang iiyak kay Kayler. Natigil lang ang pag-arte ko nang may inilabas si Kayler at agad namilog ang aking mata. "Hala! Paano mo nakuha ito?" Isa iyong lumang kwintas na may disenyo ng infinity na pag-aari ni Serah noong nabubuhay ito. Pinaniniwalaan na mahiwaga iyon kapag isinuot. Ayon sa mga kwento ay nang makita iyon ni Abby ay muli niyang naalala ang kan'yang nakaraan simula noong kapanganakan niya. Kaya naman halos matulala ako nang makita na kwintas. Ang alam ko hindi iyon pinagbibili o ipagbili man ay tunay na ibebenta iyon ng milyo dahil hindi basta-basta ang kwintas na iyon. Halos maiyak-iyak ako nang makita iyon. Pangarap ko talaga magmay-ari ng isang antique na kagamitan lalo na itong kwintas na ito. Sa sobrang tuwa ko ay nahalikan ko si Kayler sa harap ng mga kaibigan ko. "Anything for you, babe!" matawa-tawa ito habang yakap-yakap ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD