Vivian Pov... Pagkatapos ng tatlong buwan naisilang ko ang aking anak na lalaki. Alaala sa pagmamahalan namin ni Greg. Mananatili ka sa aking puso Greg. Ikaw lang ang una at huling lalaki na mamahalin ko. Pakakasalan ko man si Abdul pero hindi niya makukuha ang puso at aking katawan. Maangkin man niya ako pero kapalit nun ang pagkamuhi sa kanya. Tinitigan ko ang aking anak na mahimbing na natutulog sa aking tabi. Hindi ko mapigilan ang pag - agos ng aking luha. Baby pagpasensiyahan mo si mommy ha kasi tayo nalang dalawa ang magkakampi ngayon. Wala na si daddy! Umiiyak kong bulong sa kanya. Siya namang pagpasok ni aling Gloria ang naging kasama ko rito at magiging yaya ni Kashmir. "Kumusta ka po maam?" Magiliw niyang tanong. "Okay naman po ako manang, nangungulila lang ako sa aking nama

