***Kung anu ang itinanim ay siya rin ang aanihin!*** Jordaine Pov... Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman ngayon. Kaya pala tatlong araw na hindi umuwi si Xavier dahil naaksidente siya. Bakit siya naaksidente? Wala naman akong balitang aksidente. Mayroon hindi ka lang aware sa balita Jordaine! I ranted to myself. Nagmadali akong makarating sa ospital. Kahit labag sa loob ko pinirmahan ko ang divorce agreement namin. Gusto ko rin siyang makausap na huwag madamay ang pamilya ko sa naging kasalanan ko. Huminga ako ng malalim bago pumasok sa kanyang kwarto. Jordaine kaya mo ito! Pampakalma ko sa aking sarili. "Xavier." Tumingin siya sa akin at kumunot ang noo bago binalingan ang kasama niya sa kwarto. "Excuse me! Who are you?" Naloka ako sakanyang tanong. Gusto kong humalakhak pe

