Lucio Pov... Gusto kong patakbuhin ng mabilis ang oras para makarating agad sa Pilipinas. Hindi ako papayag na isang hampaslupa lamang ang makakapagpatali sa aking anak. Mas maganda ang buhay niya sa piling ni Prince Abdul hindi sa hampaslupa na 'yun. Anu ba ang nakita ni Valeria sa lalaking yun? Hindi ka mabubuhay sa kagandahan ng katawan at kagwapuhan ngayon. Kung wala kang pera mamatay kang dilat ang mata. Kailan ba maiintindihan ni Valeria ang pinupunto ko sakanya. Hindi nalang niya gayahin si Marcial na sumusunod sa lahat ng aking inuutos. Pagkarating namin sa airport ay agad kung tinawagan ang pinagkakatiwalaan ko dito. Bumili ako ng isang maliit na lupa sa Bulacan at nagpatayo ng isang bungalow na bahay. Pagkarating namin sa Bulacan ay agad kong kinausap ng masinsinan ang aking

