After 3months... Greg Pov... Tatlong buwan na ang nakakaraan simula nakaratay si Vivian dito sa ospital pero hindi ako nawawalan ng pag - asa na babalik siya sa amin. Marami akong pangarap sa aming pamilya na gusto kong buuhin kasama siya. Gusto kong bumawi sa anim na taon na nawala ako sa buhay nila ng aking anak. Nakakapagod pero worth it dahil hindi rin naman sumusuko si Vivian. Alam ko isang araw gigising din siya at hahanapin ako. Buti nalang Friday na ngayon. Pinatulog ko muna si Kashmir bago ako magpahinga. Kakahiga ko palang para sana umidlip nung makarinig ako ng pagtawag. Idinilat ko ang aking mata dahil baka napapraning lang ako, ngunit! "Greg!" Mahina niyang pagtawag. Napabalikwas ako sa aking pagkakahiga at tumingin kay Vivian. Nagkasalubong ang aming tingin na kapwa lumul

